ANG mga residente sa delikadong lugar sa Kidapawan City ang magiging pangunahing benepisyaryo ng mga pabahay na itatayo ng National Housing Authority (NHA), ayon sa mga opisyal kamakailan.

“These will be permanent housing units,” pahayag ni Kidapawan Mayor Joseph Evangelista, bilang pagtukoy sa 1,700 bahay na nakatakdang itayo sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay Evangelista, ipinangako ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr.ang mga housing unit sa ginanap na post-earthquake command conference nitong Lunes.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng government housing program ang mga residente ng mga komunidad na tinukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) and Mines and Geosciences Bureau (MGB) bilang “high-risk areas” kung saan malaki ang posibilidad na maranasan ang landslide o malaking soil erosions, na maaaring mangyari sakaling tumama ang lindol.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon kay Evangelista, may bahagi ang lokal na pamahalaan sa proyekto sa paghahanap at pagbibigay ng lupa kung saan itatayo ang mga pabahay.

Una rito, inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan ang isang resolusyon na nagpapahintulot kay Evangelista na kumuha ng P100-million loan sa Land Bank of the Philippines na gagamitin para sa recovery and rehabilitation efforts, para sa mga biktima ng lindol.

PNA