ILANG araw bago ang much-anticipated coronation night ng Miss Universe 2019, ibinahagi ni designer Kathryn Fanlo ang custom-made earrings ni Philippine bet Gazini Ganados na isusuot nito sa kompetisyon.

GAZINI

Sa Instagram, tinawag ni Kathryn ang earrings na “watawat,” na nadidisenyuhan ng kulay ng Philippine flag kasama ang mga bituin.

“Wearing our flag with pride, “WATAWAT,”mababasa sa caption. “Thank you for helping promote local talent and showing the rest of the world our rich culture.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Simbolo umano ang “watawat” ng “peace, unity and Filipino pride.”

Si Kathryn din ang nagdisenyo ng bad at iba pang accessories ni Gazini, kabilang

neckpiece na may design element ng isang babae mula sa Ata tribe ng Mindanao, na isinuot ni Gazini sa kanyang pre-pageant activities.

Nakatakdang idaos ang coronation night ng Miss Universe 2019 sa Disyembre 9 (Manila time) sa Atlanta, Georgia.

-REGINA MAE PARUNGAO