PINAG-UUSAPAN ng mga pinagpipitagang columnists at editors ang batang aktres na tila ipinaglihi sa sama ng loob dahil wala itong ginawa kundi sumimangot kahit sa harap ng maraming tao.

Sa isang umpukan ng mga nabanggit ay laman ng tsikahan nila ang batang aktres dahil nakitaan nila ito ng walang paggalang sa mga kasama at feeling sikat.

“Ilang beses namin siyang nakikita sa mga presscon, laging nakasimangot, hindi man lang marunong ngumiti. Inisip namin na baka mahiyain lang kasi nga bago palang that time.

“Pero ngayong hindi na siya bago, ganu’n pa rin ang ugali, parang hirap na hirap ngumiti at hindi marunong gumalang, narinig pa ni (kasamang artista sa serye) kung makasagot sa magulang, wagas. Nakapanliliit ang ganu’ng ugali.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Tapos sa tuwing may presscon, daig pa ang mga sikat na artista, ang daming kasama, glam team daw niya. Bakit siya ba ang bida?”

Minsan na naming nakapanayam ang batang aktres na ito at madaldal naman, maraming kuwento so hindi siya mahiyain para sa amin. At saka gumagamit siya ng opo o po noong kami ang kausap.

Nu’ng nakausap kasi namin siya ay isang serye palang ang nagawa niya at ngayon ay lampas 3 na kaya siguro nagbago na ang ugali?

“Feeling niya sikat na siya kasi kinukuwento niya sa lahat na bida na siya sa next project niya. At hindi na nga siya makapag-malling kasi ang dami-daming nagpapa-picture sa kanya, nai-istorbo ang pamamasyal niya,” kuwento pa ng mga katotong naka-tsikahan ng batang aktres.

Napa-wow naman kami sa paglalarawan sa batang aktres na ito, mukhang nalulunod na nga sa isang basong tubig. Wala pa naman siyang pelikula at pawang support palang siya sa mga nilabasan niyang serye pero kung makapagyabang na ay wagas. Nakakahiya naman sa mga prime artist ng network na pinagta-trabahuan niya kasi kapag tinanong sila, ay masyado pa rin silang mapagkumbaba.

Anyway, payo namin sa batang aktres, mag acting workshop siya para naman hindi laging pinauulit ang mga eksena niya at higit sa lahat, mag-voice lesson siya para hindi siya sintunado o naabot niya ang matataas na nota.

-Reggee Bonoan