LABAN kung laban ang Filipino lawn bowlers kontra sa liyamadong karibal tulad ng Team Malaysia sa 30th Southeast Asian Games sa Friendship Gate sa Clark, Pampanga.
Target ng Pinoy na maputol ang pamamayagpag ng Malaysian sa event na nadomina nito sa nakaliaps na mga edisyon ng biennial meey.
Isasabak ng Team Philippines sina Emmanuel Portacio, Leoncio Carreon Jr., Ronald Lising at Robert Curte Guarin, na nagsanib puwersa para talunin ang Malaysia sa men’s fours gold, 16-14, sa 2017 edition ng nasabing biennial meet.
Pangungunahan ang Malaysia ni Rusli Soufi para idepensa ang kanyang titulo sa singles event.
Samantala, pakay nina Ronalyn Greenlees, Hazel Jagonoy at Rosita Bradborn na malampasan ang kanilang silver medal finish sa women’s triples sa huling SEAG.
Humirit ang Malaysia ng pitong gold medals at isang silver habang ang Pilipinas ay sumilo ng isang ginto, tatlong silver at dalawang bronze medals may dalawang taon na ang nakalipas sa Kuala Lumpur.
Ang ibang miyembro ng national squad ay sina Angelo Morales at Rodel Labayo (men’s pairs), Christopher Dagpinm, Homer Mercado at Elmer Abatayo (men’s triples), at Ainie Knight, Asuncion Bruce at Nancy Toyco (triples).
Sasalang din sina Bradbord, Jagonoy, Marisa Baronda at Sharon Hauters sa women’s fours event habang sina Greelees at Nenita Tabiano sasabak sa women’s pairs.