TRULILI kayang mag-boyfriend/girlfriend na sina Javi Benitez at Sue Ramirez?

Javi Sue2

Ito ang kumakalat na balita ngayon na siguro naman ay hindi ito gimik para sa pelikula nilang Kid Alpha na mismong si Javi ang producer.

Anyway, kung sakaling totoo ito ay hindi na kami magugulat dahil sa pagkakaalam namin ay sobrang gusto ni Javi si Sue kaya talagang nag-produce siya ng pelikula para ang aktres ang leading lady niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sabi pa sa amin na naghintay nang matagal si Javi ng availability ni Sue dahil nga sobrang busy nito dahil kaliwa’t kanan ang shootings at tapings kaya broken schedule ang ibinigay ng dalaga para sa shooting ng Kid Alpha.

Baka naman na-develop na si Sue ka Javi na sobrang gentleman daw sa set at talagang asikaso siya to the max.

Sa mga supporters nina Sue at Joao Constancia ay hindi nagloko ang aktres dahil hiwalay na sila bago pa pumasok sa eksena si Javi.

Baka isipin kasi ng iba na two-timer ang dalaga.

At gaano rin kaya katotoo na umabot na sa 70M ang gastos ng Kid Alpha ni Javi na okay lang sa kanya basta’t kasama niya lagi si Sue.

Ang pelikula ay mula sa direksyon at line produce ni Richard Somes.

-Reggee Bonoan