TRADISYUNAL na ipinagdiriwang ng Romano Katoliko ang buwan ng Disyembre bilang Divine Infancy Month bilang pagpupugay sa Infant Jesus, “the center of all preparations and celebrations during the Christmas Season.”

Patuloy na pinaaalalahanan ng mga lider ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya “to make Christ the center of all spiritual and material preparations during the holiday season,” na dapat umanong maging isang tahimik na paghahanda para sa selebrasyon ng pagdating ng ating Tagapaligtas na si Hesukristo.

“Festivities and all forms of celebration should focus on honoring, glorifying, and adoring Jesus in His Divine Childhood,” paalala ng Simbahan.

Hinihikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na magdasal ng novena sa Infant Jesus, magnilay, mag-alay ng sakripisyo at gumawa ng pagkakawang-gawa, magpenitensiya at magbigay ng limos, at alalahanin ang naging pangako ng Divine Infancy, “The more you honor Me, the more I will bless you.”

Ang paggunita sa Divine Infancy Month ay pagbabalik-tanaw sa unang Pasko mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas nang magpakumbaba si Jesus at naging ordinaryong tao habang nananatiling banal. Ang debosyon sa Infant Jesus ay nagsimula sa maliit na bayan ng Bethlehem kung saan ang mga pastol at tatlong hari ay nagbigay-pugay sa bagong silang na Banal na Sanggol na nasa sabsaban.

Tampok din sa pagdiriwang ang kahalagahan ng Nativity Scene o “Belen,” bilang paalala na “Christ, our Savior and Redeemer, is the core of man’s salvation.”

Noong 1223, itinayo ni St. Francis of Assisi, ang revered founder ng Franciscan Order, ang unang Nativity Scene sa Greccio, Italy, na hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling bahagi ng dekorasyon at tradisyon sa mga tahanan, simbahan, opisina, mga simbahan at mga pampublikong lugar sa mundo.

Sa bansa, buong taon ang debosyon ng Infant Jesus, kung saan halos lahat ng mga tahanan ay nadedesenyuhan ng imahe ng Santo Niño. Marami ring pista ang idinadaos bilang pagpupuri sa Batang Jesus, partikular tuwing buwan ng Enero, na ginugunita bilangMonth of the Holy Child.

-CHRISTINA I. HERMOSO