ONE of the nicest actors in showbiz ay walang iba kundi si Richard Gutierrez. Maginoo, mabait at soft-spoken. Mga katangiang namana niya from his dad Eddie.

Sarah at Richard

Siya ba ang paborito ni Annabelle? Tanong ni Tito Boy sa naging interview sa aktor sa Tonight with Boy Abunda ni tong Wednesday night.

“Depende sa mood ni mommy pero feeling ko ay si Ruffa ang pet niya.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Was there a time na muntik ng mabuwag ang kanilang pamilya?

“Yes. Umalis si dad and went to the states. Sinundan siya ni mommy. I also underwent some troubled timer but not as complicated tulad ng kay Justin in my movie Unbreakable. Binalak kong iwanan ang showbiz just what dad did. Lahat naman tayo ay may pinagdadaanan at one point in life.”

Next year ay isang big celebration ang magaganap sa pagpapakasal nina Richard at Sarah Lahbati. Yes, they are making it legal not because of their two children kundi both believe the perfect time na kanilang pinaghandaan.

Wala pang complete details kung sino ang kabilang sa wedding entourage. Ang may katiyakan ay sa Manila ito gaganapin para maka-attend ang lahat. Pakaasahang ang big involvement ni Annabelle to make it the ‘wedding of the century’.

Meanwhile, Richard end the year with ‘Unbreakable’ currently showing nationwide.

“I feel so honored to be the male ng two of showbiz most beautiful actresses Bea at Angelica Panganiban. Kumpleto na ang portfolio na screen achievements.” Pagtatapos na wika ni Richard

-REMY UMEREZ