HINILING ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa sambayanan na suportahan ang kampanya ng Team Philippines imbes na pagtuunan ng pansin at busisiin sa ‘social media’ ang ilang pagkukulang sa hosting ng 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Ramirez, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para masiguro ang tagumpay ng hosting at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga atleta mula sa pagkain, accommodation, training venues at equipment.
“Yung nangyaring kakulangan sa mga maagang dumating na atleta, lalo na yung football ay isang kaganapan na ayaw nating mangyari, ngunit walang perpektong organisasyon. May pagkakamali, ayusin natin. So far, nagawan naman ng paraan ang lahat,” pahayag ni Ramirez patungkol sa naging isyu ng Cambodia, Myanmar at Timor Leste football team hingil sa kanilang dapat tuluyang hotel.
“Kung may kulang pa inaaayos na natin. Sa venues, tulad nang naipangako namin sa PSC tapos na at magagamit na ang Rizal Memorial Sports Center at Philsports sa Pasig bago magsimula ang mga event sa Lunes,” sambit ni Ramirez.
Tinupad ng PSC ang pangako na kakayaning matapos ang mga pasilidad naman ang takdang araw ng opening ceremony sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“We’re target. We gave the people an assurance that we will finish the competition areas on top and our various teams in the PSC did their jobs well. They delivered,” pahayag ni Ramirez.
Bagama’t nilinaw naman ni Ramirez na ang kompetisyon ng squash ay dati nang ginagawa sa Manila Polo Club, bagama’t magagamit ng mga atleta nito na training venue ang bagong gawang RMSC.
Iginiit ni Ramirez na nagmula sa Pagcor ang P842 milyon na ginamit sa pagsasaayos ng makasaysayang RSMC at Philsports.
“The Pagcor aid was the biggest boost to our drive in rehabilitating our venues. Pagcor Chairman Andrea Domingo made sure that money was spent well, wisely and prudently,” ayon kay Ramirez.
“We have spent more than a billion pesos for the athletes’ training alone. We are not looking just at the SEA Games, we are also funding their training for possible Olympic slots, in Tokyo and beyond,” aniya.
-ANNIE ABAD