‘MY FIANCEE’ ang pakilala sa amin ni Mark Neumann kay Maffy Villamor na kasama niyang dumalo sa nakaraang 25th anniversary celebration ng Bioessence nitong Nobyembre 20, Miyerkules sa Cities Events Place.

mark

Sinigurado na kasi ng aktor na si Maffy ang makakatuluyan niya at may mga papeles lang siyang hinihintay mula sa Germany na doon nakatala ang birth certificate niya.

Biniro namin si Mark na baka asawa na niya pero ayaw pa niyang aminin, “ay hindi po, if ever bakit ko po itatago, of course I will be proud of my wife, pero hindi pa nga po kasi may mga papers pang inaayos, like yung civil registry nandoon pa po kasi 10 years akong hindi nakabalik sa Germany so need ko ‘yung papers o cenomar doon to prove na wala akong asawa roon.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pero hindi naman itinanggi ni Mark na live-in na sila ni Maffy sa Lemery, Batangas at lumuluwas lang sila kung kinakailangan.

“Sa bahay po ng lola ko kami nakatira, pamana po ng lola ko, since wala na siya kami na po ang nakatira ro’n,” saad ni Mark.

Tinanong namin kung bakit sa malayong lugar sila nakatira gayung nandito sa Manila ang trabaho nila bilang mga license financial adviser ng Insular Life.

“Sar iwa ang hangi n doon. Iba ang lamig. Ang kasama lang namin doon ay katiwala, since lumaki po ako sa rural area sa Germany so, hinahanap-hanap ko ‘yung amoy ng bukid, and same po sa amin ngayon,” saad ni Mark.

Simpleng babae si Maffy at bagay sila ng aktor dahil simple rin naman din.

“We have a lot in common when it comes to hobbies, views in life. Sobrang compatible po kami, Archer din po siya, hilig ko rin po ng archery so nag-swak kami. Marami kaming sports in common kaya ako na-in love po sa kanya,” pagmamalaki pa ni Mark.

Sa tanong kung selosa ang soon-to-be wife ni Mark, “hindi naman po.”

Pero nang mapanood daw nito ang Mga Batang Poz na napapanood sa iWant at ginagampanan ng aktor ang isang gay na may love scene sa co-actor na si Raven Molina ay napailing si Maffy.

Sabi ni Mark, “She cringed a little there! Siyempre naman. I mean, everyone, when you see your loved one, parang (natakot), ‘di ba. It’ll cringe a little but she was proud of me. Kasi, she praised me for my performance, stuff like that.”

Samantala, natuwa si Mark dahil naimbitahan siya ni Dra. Emma Guerrerro at anak nitong si Joseph Feliciano sa 25th year celebration ng Bioessence dahil gusto rin niyang subukan ang services nila at mga produkto.

-Reggee Bonoan