POLO-HAN NA!

NI Annie Abad

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

WALA pang ningas ang ‘cauldron’ – simbolo ng pagkakaisa at mainit na samahan ng mga bansa sa rehiyon – ngunit hataw na ang aksiyon sa 30th Southeast Asian Games ngayon sa paglarga ng polo event sa Calatagan, Batangas.

DETERMINADO ang Philippine Polo Team na kinabibilangan  nina (mula sa kaliwa) Coco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio,Santi Juban, Anthony Garcia, Rep. Mikee Romero at Antonio Veloso.

DETERMINADO ang Philippine Polo Team na kinabibilangan nina (mula sa kaliwa) Coco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio,Santi Juban, Anthony Garcia, Rep. Mikee Romero at Antonio Veloso.

Una nang magtatagisang ang apat na bansa para sa nasabing sport, gaya ng  Brunei, Malaysia, Singapore at ang host Philippines para sa pinaka-glamorosong sports event sa biennial meet.

Dalawang gintong medalya ang paglalabanan ng apat na bansa na pawang uhaw sa kampeonato sa sports.

 “That’s certainly going to happen because everybody is holding their cards close to their chests. Our rivals are tough but we are prepared for the challenges that will come our way,” pahayag ni Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) president Cong. Mikee Romero. 

“But whatever happens, we have to cherish this moment since this is the first time in decades that we have this kind of tournament of this magnitude," aniya.

Bago ang aksiyon, pinasinayahan kahapon ang pamosong ‘Bamboo Pavilion’ sa Miguel Romero Field at nagsagawa ng tune-up game ang Nationals kontra sa Argentinian squad.

“Aside from our beautiful facilities, the Bamboo Pavilion will be a great attraction for polo lovers. Designed exquisitely, it really looks regal,” sambit ni Romero.

Opisyal na magbubukas ang Sea Games sa Nov. 30 sa parade of the athletes at opening ceremony sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kabilang sa mga lalahok ay ang mga Dugong Bughaw ng Brunei at mga kilalang negosyante sa buong mundo, kasama ang kani-kanilang mga delegasyon.

“We have so many unsung heroes and heroines in putting up this kind of tournament and everybody experienced birth pains,” pahayag ni Romero.

 “Everybody is excited so we have to put up a show and try to help the country attain its ultimate goal of winning the overall championship,” aniya.