“Check! Podium las flores 8:30 last Sunday sa taas kami nakapwesto, goodluck.”
Ito ang sagot ni Sylvia Sanchez sa mga nagdududa na edited ang photo na pinost niya na kasama nila sa dinner si Maine Mendoza, ang girlfriend ng anak niyang si Arjo Atayde.
Kasi naman, marami ang naniwalang edited ang picture na kasama ng mga Atayde si Maine dahil hindi pa raw ito dumadating from Dubai that time. Eh, Sunday morning naman pala dumating si Maine at sinalubong siya sa airport ni Arjo na siya pang nagbuhat ng yellow luggage ng girlfriend.
Pati si Sylvia ay inaway ng ilang Aldub fans dahil sa pinost na photo na kasama ng pamiya nila si Maine. Pero marami ang natutuwa at nagta-thank you sa Atayde family sa pagtanggap kay Maine.
Ano pa kaya ang dapat gawin at sabihin ni Maine para maniwala ang ilang Aldub fans na wala silang relasyon ni Alden Richards at si Arjo ang tunay niyang boyfriend?
-Nitz Miralles