DALAWANG prinsesa na ang anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil isinilang na niya ang ikalawa anak na si Gabriela base sa post ng aktor sa kanyang Instagram account nitong Sabado.

Mariel

Caption ni Robin sa litratong nakahawak si Mariel sa daddy niya, “In the name of the FATHER. ‘A father is neither an anchor to hold us back nor a sail to take us there but a guiding light whose love shows us the way.’

“Today Maria Gabriela de Padilla was born God is great! My wife had her dream fulfilled again Gabriela was delivered by natural birth Praise God everything was very smooth her family in the US especially her dad watched over her.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dalawang beses ng hindi nasamahan ni Binoe ang asawa sa panganganak nito dahil hindi siya nabibigyan ng US Visa kaya’t nanalangin parati ang aktor n asana maging maayos at matiwasay ang panganganak ni Mariel.

Bale ba, tatlong araw bago manganak si Mariel ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang pangalan na anak nilang si Isabela na pinost ni Robin ang litratong may nakalagay na ‘happy birthday na kuha sa Amerika kung saan nakatira ang mag-ina niya.

Ang caption ay, “Maligayang kaarawan aking Maria Isabela de Padilla. Maraming maraming salamat sa pamilya ng Termulo, the family of Angels.”

Sinagot naman ito ni Mariel ng, “Aww we love you, we miss you.”

-Reggee Bonoan