Nananawagansi Manila Auxiliary Bishop Broderick S. Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines - Episcopal Commission on the Laity, sa mga deboto na hindi lamang tulungan ang mahihirap kundi makiisa rin sa kanila.

“As we observe the World Day of the Poor on November 16, we adhere to the call made by our Holy Father Pope Francis to give importance to our poor brothers and sisters, to help them and to be one with them. Let us care for them and make them a part of our lives,” sinabi ni Pabillo sa Radio Veritas ng Simbahan.

Idiniin ni Pabillo na kailangang maging sensitibo sa pangangailangan ng maralita kabilang na ang mga naapektuhan ng mga kalamidad.

“Because of natural calamities like earthquakes and typhoons, many have become poor. Let us open our hearts to them, be willing to help, materially and spiritually,” wika ng obispo.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng Caritas Manila, ay patuloy na nananawagan sa lahat ng may mabubuting kalooban na mag-abot ng tulong sa mga sinalanta ng lindol sa Mindanao at iba pang mga lugar sa bansa.

Samantala, pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Banal na Misa sa San Andres Sports Complex sa Manila para sa pag-obserba ng World Day of the Poor sa Nobyembre 16.

May temang “The hope of the poor will not perish forever” (Psalm), itinalaga ni Pope Francis ang 33rd Sunday of Ordinary Time ng bawat taon bilang World Day of the Poor dalawang taon na ang nakalilipas bilang imbitasyon sa lahat ng mga tao sa buong mundo “to do good deeds for the poor and to open their arms for people living in poverty.”

-CHRISTINA I. HERMOSO