PINOST ni Ai-Ai delas Alas ang announcement na nominated siyang best actress sa gaganaping 37th Luna Awards sa November. Nominated si Ai-Ai sa pelikulang School Service na nanalo na rin ng awards sa ibang international film festival.

AI AI

Sabi ni Ai-Ai: “Thank you for the nomination FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES and FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES.”

Ang iba pang nominees sa best actress ay sina Angelica Panganiban para sa Exes Baggage, Glaiza de Castro para sa Liway, Anne Curtis para sa Sid and Aya at Agot Isidro para sa Changing Partners.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Gaganapin ang Luna Awards sa November 30, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City. Ang Nominees’ Night ay gagawin sa November 20.

Parang belated birthday gift kay Ai-Ai ang nomination nito dahil nag-birthday siya noong November 11. Pinasalamatan nito ang lahat ng bumati sa kanya pati ang nangakong magbibigay ng birthday gift gaya ni Alden Richards.

Anyway, ang FDCP at FAP ang nasa likod ng The Luna Awards this year na kung saan, tatanggap ng Fernando Poe, Jr, (FPJ) Lifetime Achievement Award si Mother Lily. Si Nova Villa naman ang tatanggap ng Manuel de Leon Award for Examplary Achievements at sina directors Wenn Deramas at Soxie Topacio ang tatanggap ng Lamberto Avellana Memorial Award.

-Nitz Miralles