MULING magpapakita na husay ang pinakabatang Pinay Woman Fide Master na si Antonella Berthe Racasa sa paglahok sa Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships sa Disyembre 9-16 sa Lima Park Hotel sa Malvar, Batangas.

RACASA: Chess protégée.

RACASA: Chess protégée.

Ang 12-anyos at Grade 6 pupil ng VCIS - Home School Global ay muling masisilayan sa chess world matapos makolekta ang girls' U-12 crown sa Pattaya Chess Club Open 2019 age group chess championship na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre 19-23.

“I hope to do well in the upcoming Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships,” sabi ni Racasa.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

"The gold medalist in Standard Chess shall receive a Grandmaster norm. Equal first shall receive the title of International Master. Silver and bronze medalists receive International Master norm ( and corresponding women's titles ) in accordance with FIDE title regulations, " pahayag ng kanyang coach at ama na si  International Memory Champion Robert Racasa.

Ang kampanya ni Racasa sa International Chess Championship ay suportado nina D. Edgard A. Cabangon ng ALC group of companies, North Cotabato Vice Governor Emmylou "Lala" Mendoza, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos-Vargas at Engr. Rogelio SP Lim, President ng RSP Lim Construction Co Inc. Owner at developer ng Boni Tower.

Nakalinya rin si Racasa na katawanin ang bansa sa 36th Singapore National Age Group Chess Championships sa Disyembre 27 hanggang 30 na gaganapin sa 1 Expo Drive, MAX Atria @ Singapore Expo sa Singapore.