MALAWAK na pang-unawa at edukasyon bilang unang hakbang sa pagiging isang responsableng may-ari ng baril.
Mula’t sapol, ito ang pangunahing adhikain at layunin ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. sa kanilang isinasagawang AFAD-Defense & Sporting Arms Show na nasa ika-27 edisyon.
Gaganapin ang ikalawang bahagi ng programa matapos ang matagumpay na unang serye nitong Hulyo sa Nobyembre 14-18 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ibinida ni AFAD president Alaric Topacio na higit pa sa nakasanayang ‘Arms Show’ ang inihanda ng kanilang grupo, higit at nakiisa ang may 61 miyembro para maglagay ng kani-kanilang produkto mula sa mga worlds-class na uri ng baril, bala, at iba’t ibang kagamitin.
Bukod sa mga ipinagmamalaking produkto ng AFAD member, magsasagawa rin ang AFAD, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), ng seminars, educational programs para sa self-defense, responsible gun ownership, firearms safety handling, regulation policy on gun-ownership at iba pang aktibidad.
“AFAD is using the show as a platform to educate people about responsible gun ownership as we join the government’s efforts to fight the proliferation of illegal guns,” pahayag ni Topacio. “Also, enthusiasts can bring their families, as well, as we have lined up programs and activities for wives and children.”
Nagkumpirma ng dadalo sa programa sa unang araw ng palabas ganap na 10:00 ng umaga sina Senators Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Ralph Recto, gayundin ang mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.
“The PNP together with the AFAD is also providing an LTOPF caravan to help gun-owners process their gun-license application and renewal, so our visitors have the luxury of faster processing for their gun licensing needs, while viewing the best products available,” sambit ni Topacio.
Iginiit ni Topacio na isinusulong ng AFAD ang promosyon ng shooting bilang sports, gayundin ang paniniguro na tanging mga kwalipikadong indibidwal ang mabibigyan ng pagkakataon na maging may-ari ng mga baril.
“AFAD is not just for supplying the best firearms, ammunition and accessories for recreational, sporting activities and security details. The firearms industry breaks bread with all stakeholders and helps the government in its fight against the illicit trade of firearms and for the promotion of responsible gun ownership,” pahayag ni Topacio.