NAKA-POST sa Instagram (IG) ni Gretchen Barretto ang birthday photos ng 90 birthday celebration ng mom ni Atong Ang na si Catalina Ang na ginawa sa MOA. Magkakasamang nag-attend ng birthday party sina Gretchen at mga kapatid na JJ at Claudine Barretto at ang mom nilang si Mrs. Inday Barretto.

IMG_0256

Hindi lang makapag-comment ang netizens dahil naka-set sa “comments on this post have been limited” ang IG account ni Gretchen. Friends at mga kilala lang niya ang puwedeng mag-comment.

Curious lang ang netizens kung hindi man lang ba nagalit si JJ sa pagde-deny ni Atong sa naging relasyon nila ng anak ni JJ na si Nicole? Saka si Mrs. Inday Barretto, hindi ba nagalit kay Atong dahil isa siya sa naging cause nang muling pagsabog ng sibling war ng mga Barretto?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, mukhang magkakaibigan pa rin ang mga Barretto at si Atong, maliban kina Marjorie at Nicole.

-NITZ MIRALLES