Yesss, si Vanjoss Bayaban ang tinanghal na grand champion of The Voice Kids Season 4 nito lang Linggo ng gabi, November 3, 2019 sa Resorts World Newport Theater to be exact at wagi siya ng P 2 Million, a recording contract, a brand new house and lot, and other prizes kung kaya’t ang dream at wish niya na pauwiin na dito sa ‘Pinas for good ang kanyang OFW Momshie ay matutupad na rin sa wakas.

VANJOSS

Very emotional ang pagkaka-awit ni Vanjoss nang awiting You Raise Me Up kung kaya’t pati kami ay napapa-up sa aming upuan, sa true lang.

Belong si Vanjoss sa Team ni Coach Sarah Geronimo kaya nasabi tuloy ni Popster Diva kay Vanjoss ang mga katagang…

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

“Grabe kasi yung pinakita mo from beginning to end…yung kung paano mo sinet-up yung kanta…yung paano mo sinimulan…yung kung paano mo ikinuwento, Vanjoss, congratulations!”

Sa semi-finals pa lang ay nahirapan na si Coach Sarah kung sino sa kanyang Team alongside with Jay Rome Sevillejo at Renz Aleguiojo but in the end, si Vanjoss pa rin ang mas nanaig para kanyang pililiin.

All throughout the show, hindi lang si Coach Sarah ang sobrang na-impressed sa performance ni Vanjoss kundi pati rin sina Coach Lea Salonga at Coach Bamboo ay all praises sa tinanghal na grand champion of TVK4 , 2019.

“Working with Vanjoss has been a humbling and inspiring experience for me.

“Napakahusay niya pero marunong makinig sa mga payo.

“Impressive kang mang-aawit Vanjoss and this is the first time na pinaiyak mo ako.” Ang ma-emote na dagdag sey pa ni Coach Sarah sa kanyang alaga.

Niwey, congratulations sa tatlong naglaban-laban na sina Vanjoss, Carmelle at Cyd para sa grand title ng TVK4 2019 last Sunday night kung saan si Vanjoss Bayahan nga ang nakakuha ng maraming boto thru texting puwera pa ang mga boto nina Coach Lea, Coach Sarah at Coach Bamboo.

Till next The Voice Kids 2020 kiddos!

-MERCY LEJARDE