HINDI klaro sa amin kung parehong may unit sa isang condominium building ang hindi masyadong sikat na aktor at anak ng showbiz personalities na matagal ng mag-dyowa na laging nakikita sa unit ng babae.
Kuwento ng aming source, “madalas ko silang nakakasabay sa elevator and same floor pala kami. Hindi ko lang alam kung may unit si (hindi sikat na aktor) o dumadalaw lang siya kay (anak ng showbiz personalities).”
In-direct natanong ang aming source ng isa pang katoto kung gaano kadalas niyang nakikita ang dalawa, “madalas, pag lumalabas ako, ‘yun nga hindi ko alam kung pareho silang may unit, o baka dumadalaw lang si boy. Pero open naman na silang mag-syota ‘di ba?”
May trabaho na ang anak ng showbiz personalities kaya namumuhay na siya ng mag-isa pero sa pagkakaalam namin ay lagi pa rin siyang nagpapakita sa magulang niya.
Ang boyfriend nitong hindi masyadong sikat ay hindi naman nawawalan ng projects sa network kung saan siya konektado, ‘’yun nga lang hanggang ngayon, hindi pa rin sumisikat ng husto.
-Reggee Bonoan