NANATILING Darna para sa lahat si Angel Locsin dahil sa pagtulong niya sa lahat ng mga nasalanta ng 6.5 magnitude sa Tulunan Town, Cotabato at sumira ng mga building sa Davao.

ANGEL LOCSIN

Walang kasamang media sina Angel at fiancé niyang si Neil Arce nang pumunta ng Davao, pero nalaman pa rin ng lahat dahil may netizen na nag-post ng litrato habang namimili siya sa isang grocery at ang caption ay, “We stan the real-life Darna. Angel Locsin went to Davao City to help the victims of Mindanao earthquake.#BangonMindanao.”

Hanggang sana-pick up na ito ng Sun Star Davao at ABS-CBN news na may caption na, “TRUE ANGEL. Nagtungo sa Davao City ang Kapamilya actress na si Angel Locsin at kaniyang fiancé na si Neil Arce para magpaabot ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Simbilis nang paglipad ni Darna sa pelikula para sa mga nangangailangan ay ganito rin si Angel sa tunay na buhay na hindi na mabilang kung ilang beses na siyang tumulong sa mga taong nasalanta ng bagyo, baha, lindol at iba pa.

Anyway, malapit talaga ang puso ni Angel sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa Mindanao dahil parte siya ng Muslim royal family sa Marawi City, Lanao del Sur dahil ang nanay niya ay inampon ng isang prinsesa at ang lolo naman niya ay isa sa 15 sultanates ng Marawi City.

Tanda namin noong nasa Marawi City kami kasama sina Christian Bautista at Kim Idol para sa isang pagtitipon ay tumawag si Angel para alamin kung okay kaming lahat at kung anong kailangan namin.

Samantala, ayon sa mga taong malapit sa aktres ay, “kapag may nabalitaang sakuna si ‘Gel, hindi na ‘yan mapakali, hindi na makatulog, nakikipag-ugnayan na ‘yan sa lugar at nagtatanong kung ano ang mga kailangan, logistics, ganu’n. Inaalam din kung may mabibilhang tindahan para doon na manggagaling lahat kaysa dito pa sa Manila manggagaling, mas mahirap kasi.”

Naiiyak naman ang ilang kababayan natin sa Davao sa pagtulong ng aktres sa kanila kaya labis ang pagpapasalamat nila rito.

-REGGEE BONOAN