Walaring pagod si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado. Kahit busy siya sa taping ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, with Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, kaya pa rin niyang gumawa ng ibang projects na tiyak namang magugustuhan ng kanyang fans.

Jennylyn & Janno colove

Yes, may bago na namang aabangan ang subscribers ni Jennylyn sa kanyang YouTube Channel. Ipinasilip na niya susunod niyang makakasama sa “CoLove” after ng boyfriend na si Dennis Trillo.

Ang OPM artist at kaibigan ni Jennylyn na si Janno Gibbs ang makakasama niya, kaya naman kung excited si Jennylyn, mas excited ang fans niya dahil kani-kaniya silang hula ng kantang iko-cover ng dalawa sa comments section. Humahanga raw sila kay Jennylyn na napagsasabay nito ang paggawa niya ng kanyang vlogs at pagganap bilang si Dr. Maxine sa Descendants of the Sun.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bukod sa taping ng Pinoy remake, inihahanda na rin ni Jennylyn ang Valentine concert nila ni Dennis Trillo sa February, 2020. Hindi ba siya napapagod?

“Kapag gusto po ninyo ang ginagawa ninyo, mas inspired magtrabaho,” nakangiting sagot ni Jennylyn. “Hindi po ako napapagod. Kaya iyong naghihintay na rin ng teleserye namin ni Dingdong,  huwag kayong mainip, malapit na malapit na ninyo kaming mapanood.”

On location shooting na sila sa Nueva Ecija ng Descendants of the Sun na dinidirek ni Dominic Zapata.

-NORA V. CALDERON