It’s confirmed!

Ang 2019 Miss Universe beauty pageant ay gaganapin sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa Disyembre 8 (Disyembre 9, oras sa Manila).

CATRIONA_n

Ipinahayag ito ng Miss Universe Organization (MUO) sa kanyang official website nitong Oktubre 31 (Nobyembre 1, oras sa Manila). Naglabas din ang MUO ng official teaser for the pageant.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

“Atlanta has been the stage to some of the world’s most-watched events in modern history, and we are excited to show the one billion annual viewers of MISS UNIVERSE® the rich culture of this city,” sinabi ng MUO sa kanyang official statement.

Earlier, may mga ulat na ang 2019 Miss Universe pageant would be staged in Dubai, South Korea at maging sa Pilipinas. Ngayon ay kumpirmado na ito ay patungong US. Sa Atlanta din idinaos ang Summer Olympics noong 1996.

Magbabalik ang five-time Emmy Award winner na si Steve Harvey bilang host sa ikaapat na pagkakataon.

Si reigning Miss Universe Catriona Gray ng Pilipinas ang kokorona sa kanyang successor sa pagtatapos ng show.

Ninety-two girls from around the world ang nagkumpirmang makikilahok sa beauty pageant.

Sa 68 taon ng patimpalak, ito ang unang pagkakataon na sasali ang Bangladesh at Equatorial Guinea.

Tatangkain ni Gazini Ganados ng Talisay, Cebu na makuha ang 5th Miss Universe title para sa Pilipinas.

Ngunit naobserbahan ng pageant critics na ang edition ng pageant ngayong taon ay maaaring maging pinakamaikli para sa staging ng Miss Universe beauty contest.

Sa mga nakalipas na taon, ang mga kandidata ay mananatili at magliliwaliw sa host country sa loob ng tatlong linggo. Sa pagkakataong ito, ang mga kandidata ay mananatili lamang ng 10 araw sa Atlanta.

“Maybe the MUO is cost-cutting this time?” sabi ng isang Filipino pageant observer nang tanungin tungkol sa mas maikling duration ng staging of Miss Universe.

Inaasahang magsisidatingan ang mga kandidata sa Nobyembre 28-29. Ang iba pang schedules of activities: registration and fittings, Nob. 29-30; preliminary dress rehearsals and preliminary dress competition, Dis- 5-6; national directors reception, Dis. 7; dress rehearsals and Miss Universe 2019 grand coronation, Dis. 8; at departure, Dis. 9.

-ROBERT R. REQUINTINA