HINDI makapaniwala si Sanya Lopez na siya ang papalit kay Pia Wurtzbach bilang Ginebra Calendar Girl at sa 2020 siya ang Ginebra San Miguel Calendar Girl. Hindi nito na-disappoint ang mga dumalo sa kanyang grand launching dahil isang seksing-seksi Sanya ang humarap sa mga invited guests.

Sanya

Nabasa naming nag-congratulate kay Sanya ang mga kaibigang sina Julie Anne San Jose, Ken Chan, Jerald Napoles, Winwyn Marquez, ang future sis-in-law nitong si Barbie Forteza, Gabbi Garcia, Patricia Javier, Shyr Valdez, at marami pang iba.

Very proud din si Jak Roberto sa kapatid na si Sanya and for a change, hindi niya biniro na papaluin ang kapatid na biling-bili ng fans.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Complete package si Sanya, maganda, sexy, mahusay na artista, rater sa mga teleserye niya sa GMA-7, big break sa pelikula na lang ang kailangan para mas sumikat ka. Sayang at hindi nakasama sa 2019 MMFF ang pelikulang Isa Pang Bahaghari na kasama siya sa cast bilang anak ni Nora Aunor, mas marami sana ang nakapanood sa galing niyang umarte.

-NITZ MIRALLES