YES, hindi lang ang mga sikat na loveteams or actors and actresses ang nakukuhang product endorser kundi maging ang sikat na comedienne na si Pokwang na tinaguariang “Pambansang Mamang” ay product endorser na rin ng Regasco LPG na nagkaroon ng grand launching nito lang nakaraang Martes na ang venue ay sa B Hotel Scout Rallos, Quezon City.
During the Q&A portion ay natanong ni yours truly si Pokwang kung Regasco ba ang ipapangalan niya sa itatayo niyang bagong restaurant sa Antipolo City kung saan ay matagal na siyang naninirahan doon?
“Ahh, matagal na kaming magka-sosyo ng anak ko sa restaurant business namin. I think ang ipapangalan ko ay “Cooking Ng Ina Ko” kasi cooking machine ako… hindi joke lang, ang ipapangalan ko ay sa “Kusina Ni Mamang At Papang”. Siyempre ang location ay sa Antipolo pa rin at naghahanap na ako ng tamang lugar na may malawak na parkingan kasi ang pino-problema natin lagi ay parking, ‘di ba?”
Well, kung sabagay mahal na rin ang renta sa mga parking lot ngayon sa true lang, noh.
Ang owner naman ng Regasco LPG na si Ms. Leslie Yiu ang tinanong ni yours truly kung bakit si Pokwang ang kinuha nilang endorser ng Regasco kahit hindi na ito belong sa millennial generation but in pernes, blooming pa rin ang byuti in flesh and blood, ha!
“Kaya po namin kinuha si Ms. Pokwang kasi nakita namin yung values niya…ahh, and the way she presents herself. At yung devotion niya sa pagluluto her loves for cooking is a big factor kaya sya ang pinili namin to be the face of Regasco brand plus being a doting Mom to her two daughters (Mae and Malia) and loving partner na si Lee O’Brian.
“With her love for her newest endorsement, Pokwang was very cooperative and easy to work with during the series of shoots for the campaign, not to mention her being punctual on the set.
“Because of her professionalism, good working attitude and relationships with our company and for sure, a huge contribution niya to the future sales of Regasco there’s no doubt for a possible renewal of the contract sa aming kumpanya.” Ang mahabang paliwanag ni Ms. Leslie Yiu.
With this another blessings sa tinaguriang PambansangMamang
-MERCY LEJARDE