SA tumitindi pang away ng pamilya Barretto, ilang netizens ang kumuwestiyon sa kapatid nina Gretchen at Marjorie na si Joaquin “JJ” Barretto. Ang ama ni Nicole na damay rin ngayon sa eskandalo ng pamilya hinggil sa umano’y agawan ng “boyfriend.”
Tampok din ngayon si JJ sa usapan ng social media na inaakusan ngayon ng ilan nang tila pangbabalewala sa isyu gayong sangkot dito ang kanyang anak.
Kuwestisyon ng isang netizen sa Instagram ni JJ: “What kind of father you are?
“Nilalapastangan na at sinisira na ni @gretchenbarretto ang anak mo, and yet u cant tell gretchen to spare her.
“I saw on your post ‘ my favourite daughter’. Are u also scared of your evil sister?”
Agad naman nitong sinagot ang netizens bagamat hindi nabanggit ang tungkol sa isyu.
“oh shut u. will u?
“ang dami mong alam. mag tshirt ka nalang ijo.
“Ndi ganyan ka laki katawan mo boy.”
Nag-ugat ang gulo sa pamilya Barretto sa gitna ng burol ng amang si Miguel. Hiniling umano ni Pangulong Duterte na magbati sina Gretchen at Marjorie, ngunit hindi umano pumayag ang huli at nauwi sa bangayan at pisikalan, kung saan damay rin ang kanilang pamangkin na si Nicole at ang batang aktres na si Julia.
Una nang itinanggi ni Nicole ang naganap, na nanindigang hindi niya sinaktan si Gretchen at pinigilan niya lang ito nang atakihin nito ang kapatid nasi Marjorie.
Pero nang hawakan umano ni Nicole si Gretchen upang mailayo kay Marjorie, si Gretchen naman daw umano ang sumipa at nanabunot sa kanya (Nicole).
Buwelta pa ni Nicole, inagaw umano ng kanyang tiyahing si Gretchen ang kanyang dating boyfriend na pinangalanan ang businessman na si Atong Ang.
Sinagot naman ito ni Greta at sinabing si Nicole ang nang-agaw kay Atong mula kay Claudine Barretto. Dagdag pa nito,”I was told by Atong nilako si Nicole sa akin ng nanay niya.”
Samantala, ilang netizens din ang nagtataka kung bakit tikom ang bibig ng ama ni Nicole.
Sa isang photo na ibinahagi ni Claudine, makikita pang kasama ni JJ ang kanyang inang si Mommy Inday at kapatid na sina Gretchen at Claudine.
Habang sa ibinahagi ni Julia, kasama rin si JJ sa litrato ng buong angkan ng mga Barretto maliban kina Claudine at Gretchen.
-ADOR V. SALUTA