EXCITED na si Vice Ganda, sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Naunang napili ang kanilang movie para ipalabas sa MMFF at makakasama niya rito si Anne Curtis na ayon sa unkabogable star ay first time nilang magsasama sa isang malaking pelikula, bilang handog sa madlang people ngayong kapaskuhan.

Vica at Anne

“Siniguro namin ni Anne Curtis, ng Star Cinema at ng Viva Films na madlang people pa rin ang mananalo sa Pasko. Ano ito eh selebrasyon ito ng madlang people sa masang Pilipino na marami pinagdadaanan sa buong taon,” bungag ng “It’s Showtime “ host.

Expect the unexpected rin daw ayon kay Vice ang dapat na asahan sa panonood ng kanilang pelikula.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Promise po itinataga ko sa wig ko (laughs), ang dami namin ginawa ni Anne Curtis na ‘di nyo pa nakikita everyday sa okrayan namin sa It’s Showtime lalo na si Anne, sabi ni Anne nakakaloka parang nagpapakilala pa lang ako sa showbiz dahil sa first time nagpababoy siya sa pelikulang ito para sa madlang people,”natatawang kuwento pa ni Vice.

At dahil marami ang nagmamahal kay Vice at Anne sa una nilang pagsasama sa pelikula, marami rin ang manggugulat na celebrities sa may special roles.

“Andami parang mahigit 100 artista po kasi ang cameo fifty plus eh kami marami kami yung cast andami, pinakasimple namin mga cameo si Ma’am Charo, at Regine Velasquez yan ang pinakasimple namin na cameo,” kumpirma pa ni Vice.

-Ador V. Saluta