SA pangunguna nina Patrick Perez at  Angelica Gaw, nakamit ng La Salle ang ikalawang sunod na UAAP Poomsae Championship nitong Lunes sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Ito ang ikatlong overall crown ng Archers sa naturang event.

La Salle Poomsae Team,kampeon sa UAAP.

La Salle Poomsae Team,kampeon sa UAAP.

Nagsalansan sina Gaw at Perez ng kabuuang dalawang ginto at silver medals matapos pagbidahana ng individual titles at mixed pair runner-up. Tinanghal na Most Valuable Player si Gaw.

National

Marce, pa-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan; malapit nang maging ‘super typhoon’

Nakamit din ng taluhan nina Daphne Ching, Zyka Santiago, at Mikee Regala ang silver.

"It was me for the month and we really had to work double-time for the missed time. So, they really worked hard," sambit ni La Salle head coach Brian Sabido.

Nakuha ni Gaw ang gintong medalya sa average iskor na 8.050, may 0.020 benthe kontra University of the Philippines' Patricia Jubelag. Pangatlo si Denise Alicias ng National University (7.835).

Kumana naman si Perez,  last season's rookie of the year, sa male individual event sa iskor na 8.140 kontra Rookie of the Year Ricco Teraytay ng NU  (7.980) at Lyan Llanto ng UP (7.900).

Nakuha naman nina University of Santo Tomas' Jerel Dalida at Jade Carno ang mixed pair gold sa iskor na 8.170.