SINGAPORE – Masusukat ang kahandaan ng Philippine water polo team sa pagsisimula ng aksiyon ngayon sa FINA Water Polo Challengers’ Cup.
Kumpiyansa si national team coach Rey Galang na magagamit ng koponan ang karanasan a t mahabang panahong pagsasama upang makasabay sa mga karibal sa torneo na bahagi ng paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games.
“That’s the good thing about this team, they’ve been together since we recruited new players. From a fifth place finish in 2015 (SEA Games), we moved up to fourth place in 2017,” pahayag ni Galang.
Tanging si team captain at goalie Tani Gomez, miyembro ng koponan mula 2001, ang nalalabing player sa koponan na sumabak sa nakalipas na SEA Games.
Kabilang naman sa 2012 water polo recruits sina Matthew Yu, Mico Anota, Macgyver Reyes, Adan Gonzales, Paolo Serrano, Abnel Amiladjid, Rey Salonga, Mark Valdez, Romark Belo at Mummar Alamara.
Maaasahan din ni Galang ang nagbabalik na si Roy Canete, nagretiro sa Nationals matapos ang anim na taong serbisyo, gayundin ang bagong recruit na si Fil-Am Vince Sicat mula sa Santa Clara University.
Naglaro ang 21-anyos na si Sicat ng tatlong taon sa Broncos – Division 1 schoolsa US NCAA. Ito ang ikatlong pagsabak niya sa FINA event bilang National member.
Iginiit ni Dale Evangelista, miyembr o n g team na nakapaguwi ng medalya mula 2001-2011, na malaki ang ipinagbago ng koponan at mas malalim ang talento nito.
“All the players we’ve recruited in 2012 have really improved, ” pahayag n i Evangelista.
Ikinalugod n i y a ang suporta ng Philippine Sports Commission ( P S C ) , s a pamumuno ni Chairman Butch Ramirez.
Kabilang ang Filipinos sa Group A at unang makakaharap ang Ireland ngayon, kasunod ang Zimbabwe sa Miyerkoles, Malaysia sa Huwebes at Singapore s a B i y e r n e s . Magkakasama naman sa Group B ang Indonesia, Chinese Taipei, Austria, India at Hong Kong.
-Waylon Galvez