Mukhang hindi maganda ang balik sa komedyante ng pagparunggit niya sa kasabayang pelikula na ipinalabas kamakailan dahil ang kanya ay super flop.

Nagulat ang buong cast at production team ng pelikula ng mag-komento ang komedyante na hindi maganda ang trailer ng pelikula kasabay niyang ipinalabas at kung anu-ano pa.

Walang makitang dahilan ang buong cast at production team kung bakit nagbigay ng negatibong komento ang komedyante gayung magkakakilala sila.

At kahit na may ganu’n komento ang komedyante ay winish pa ring ng lead actress na kumita pareho ang pelikula nila na dapat daw ay nagtutulungan sila dahil plano niyang panoorin ang pelikula ng una.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Sa ngayon ay maganda ang resulta sa box office ng pelikula ng kasabayan ng komedyante at sa katunayan ay magkakaroon ng victory party.

Ano kaya ang naramdaman ngayon ng komedyante sa sinabi niya, hindi kasi sa lahat ng oras ay nakakatawa ang sinasabi.

-Reggee Bonoan