NAGSIMULA na ang send-off season ng Binibining Pilipinas 2019 dahil sa dalawa sa mga binibini nito ang naghahanda ng makikipagkumpetensya sa ibang bansa.
Sa press send-off na ginanap sa Versailles Tent sa Novotel Manila Araneta City nitong Miyerkules ng gabi, nagsalo-salo ang mga bisita at miyembro ng media kasama sina Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista at Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo.
Mula sa Laguna si Leren, na unang makikipaglaban sa Miss Globe beauty pageant sa Holiday Villages sa Montenegro sa Oktubre 21.
Sinundan niya ang yapak ni Miss Globe Philippines 2018 Michelle Gumabao na nagtapos sa ika-15 pwesto sa Miss Globe pageant sa Albania.
Layon ni Leren na maging ikalawang Filipina na manalo ng Miss Globe crown matapos ni Anne Lorraine Colis, ang pinakunang Filipina na makoronahan ng Miss Globe noong 2015.
Si Samantha, na mula sa Cebu, ay sasabak sa Miss Grand International sa Caracas, Venezuela sa Oktubre 25.
Sa kasalukuyan, wala pang nakakapag-uwi ng prestihiyosong parangal na ito sa ating bansa.
“Win or lose, I’m just going to give you the best show you’ve ever seen,” pahayag ni Sam.
Nagpasalamat ang 2 queens sa kanilang mga fans at supporters habang nagako na gagawin nila ang kanilang makakaya upang maiuwi ang korona sa bansa.
Nagpadala din ng pagbati ang mga reigning Binibinis Miss Universe Philippines Gazini Ganados, Bb Pilipinas International lawyer Patricia Magtanong, Bb Pilipinas Supranational Raesham Saeed, Bb Pilipinas Intercontinental Emma Tiglao, Aya Abesamis, Bb Pilipinas 1st runner-up; at Bb Pilipinas 2nd runner-up Samantha Bernardo.
-ROBERT R. REQUINTINA