NAITALA ng Monte Manila ang unang panalo, habang kapwa nabigo ang Laro FC at Bohemian Sporting Club sa Philam 7s Football League nitong weekend sa Emperador Stadium sa Taguig City.

Kumabig naman ang Ghana FC, Super Eagles, at Mondo international.

Umiskor si Dioh Tanga ng go-ahead goal para basagin ang 2-2 iskor at sandigan ang Matu Deportivo sa panalo kontra sa dating walang talong Bohemian Sporting Club.

“We saw that we can hurt them so we start attacking more and more. And yeah, we know we have to control the good players in the middle,”pahayag ni Matu Deportivo star player Nico Bolzico. “They control the ball very well and we knew who we have to mark on. I think I could say it’s a game.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nadungisan din ang Laro FC nang gapiin ng DMatsunaga FA, 2-1. Kumana sina Gerson Lopez at Victor Hugo ng goal, sapat para maisalba ang laban at ang huling iskor ng Laro sa ika-48 minuto ng laban.

“It changed the mentality of the entire team,” pahayag ni team captain Daniel Matsunaga. “You know, it gives us a little bit more hope. Now, we had six points. It’s still there you know. It’s just the start of the tournament.”

Matapos mabigo sa unang tatlong laro, nakabutas ang Monte Manila kontra powerhouse Real Amigos sa high scoring game, 6-5. Nanguna si Chima Uzaka sa Monte.

Kumana rina nf defending champions Ghana FC, sa pangunguna ni David Asare, kontra Tondo FC, 3-1. Matamis ang paghihiganti ng Ghana FC na nabigo sa Tondo FC sa nakalipas na season.

Nagwagi rin ang dating league champions Super Eagles sa Futbol Funatics, 4-2, habang nabokya ng Mondo International ang Superbad, 2-0.