MALUGOD na tinanggap ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Tourism (DoT), ang patuloy na pagkilala sa Palawan para sa malinis na dalampasigan at karagatan kung saan binanggit ng CNN Travel kamakailan ang pagkaakit ng mga banyaga sa isla.

“Our rehabilitation efforts to preserve the beauty of Palawan did not go unnoticed. We are thankful for this CNN citation of our tourist destinations,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat nitong Huwebes.

Inilarawan ang isla ng Palawan bilang “a gorgeous haven of pale sand and clear water,” at inilista ng CNN sa 10 ‘World’s Most Beautiful Islands’.

Naitampok din ang islang puno ng mga kahang-hangang limestone cave systems ng sikat na pinagtapingan Spanish series na Money Heist.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kinilala ni Jen Rose ng CNN ang Palawan bilang “most remarkable hiding place might be in Puerto Princesa Subterranean River National Park, a UNESCO World Heritage Site where an underground river slips through a maze of limestone caverns.”

Pinuri naman ni Romulo-Puyat ang pagsisikap ng pamahalaang lokal sa pagsusulong ng sustainable tourism at pagtalima sa carrying capacity ng pinakamahabang subterranean river sa bansa bago pa ito sumikat.

Duyan ang baybaying probinsiya ng Palawan sa maraming mga destinasyon ng mga turista sa Puerto Princesa, El Nido, Coron, at sa umuusbong na San Vicente, na kinilala bilang isang tourism enterprise zone.

Kasama ng Palawan sa listahan ang Milos, Greece; Bartolomé, Ecuador; Fregate, Seychelles; St. Lucia, Lesser Antilles; Jura, Scotland; Komodo Island, Indonesia; at Kaua’i, United States.

Noong huling Hulyo, kasama ng Palawan ang Cebu at Boracay sa 2019 Travel + Leisure’s World’s Best Awards.

Sa listahan ng T+L, pangalawa ang Palawan sa 15 Best Islands in the World.

PNA