SA mga umpukan ng mga artista at ilang ka-close na taga-entertainment media ay napag-uusapan ang mga ugali ng kabataang artista ngayon na hindi marunong bumati o gumalang sa mga senior actors lalo na kung nakaisa o dalawang hit movie/teleserye sila na feeling ay ang galing-galing.

SANDUGO1

Nabanggit din naman ito ng isang premyadong aktres na ilang beses niyang nakasalubong ang batang aktres na biglang sumikat dahil sa bago nitong project na dinaan-daanan lang daw siya.

Sabi ng premyadong aktres, “ilang beses akong nagpakilala pero nakatingin lang, parang walang narinig at hindi rin ngumiti.”

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Baka naman na-starstruck sa premyadong aktres kaya walang reaksyon? Hindi bale kapag nilibot na ng batang aktres ang buong mundo sa kalilipad, malamang babatiin na niya ang premyadong aktres kapag nagkita sila ulit.

Kaya namin naikuwento ito ay dahil sa nakaraang Sandugo mediacon ay natanong ang senior stars tulad nina Ariel Rivera, Gardo Versoza, Vina Morales at Cherry Pie Picache kung paano nila hinaharap ang mga batang artista na tila nalulunod na sa isang basong tubig o pasaway lang talaga.

Isa si Vina sa nakaka-relate dahil may mga na-encounter na siyang ganito na maraming beses pero iniintindi niya dahil nanggaling din siya sa ganu’n sitwasyon, pero may hangganan.

Aniya, Ako I started early. Nine years old ako noon. Ako ‘yung pinapakisamahan, tinuturuan. Siguro this time I’d understand kung meron silang pagkukulang kasi dumadating talaga sa stage na ganoon, eh.

“Hindi mo alam kung ano ang nasa isip nila pagdating sa work, sa pagiging professional, kung may problema sila sa buhay, kung makakayanan ba nila ang mga intriga and all. Dumadating sa ‘yo so hindi mo masyadong naiintindihan ang pinagdadaanan niya.

“But I always make sure naman lalo na kapag naging kaibigan ko ang mga kaeksena ko, I always tell them na i-appreciate all the blessings lalo na ‘yung mga projects na ibinibigay sa kanila, na aralin ang mga eksena.”

Paano ‘yung mga basta na lang darating sa set ng hindi pa alam ang gagawin o hindi saulo ang linya.

“Pag ganyan na medyo may problema na ako ay isinusumbong ko na sa production para at least sila na ang magsabi mismo kung ano ‘yung hindi ako komportable. I tell them,” pagtatapat ng aktres.

In fairness kay Vina hindi siya nagtataray ng kapwa artista, sa 30 years niya sa showbiz ay walang nabalitang may kaaway siya. Saksi kami na kahit anong bira na sa kanya ay hindi siya pumapatol at sinasarili na lang.

Kaya naman sa 30 years niya sa showbiz ay nagpapasalamat siya na maraming blessings pa ring dumarating sa kanya.

Samantala, gagampanan ni Vina ang isang dancer sa club na namatayan ng anak dahil sa sunog at simula noon ay naging malungkutin siya kaya ang partner niyang si Gardo ay naghanap ng batang maampon at si Aljur Abrenica na ibinigay sa kanya nina Cherry Pie dahil hindi na nila kayang buhayin at naiwan si Ejay sa kanila ni Ariel bagay na laging pinagtatalunan nilang mag-asawa.

Ang Sandugo ay mula sa direksyon nina Darnel Joy R. Villaflor at Ram Tolentino at handog ng Dreamscape Entertainment. Kasama rin sina Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido Dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza, at Ogie Diaz.

Simula na sa Lunes , Setyembre 30 sa Kapamilya Gold.

-REGGEE BONOAN