MAKUSOG!

Ni Edwin Rollon

BUHAY at nasa pedestal ang Philippine professional boxing.

At malaki ang posibilidad na madugtungan ang kasalukuyang listahan ng Pinoy world champion sa pagkakapasok ng 44 Pinoy fighters sa world ranking ng apat na major world boxing organization – ang WBC, WBA, WBO at IBF.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

MITRA: Bunga ng itinanim na reporma sa GAB.

MITRA: Bunga ng itinanim na reporma sa GAB.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, isang malaking hamon na unti-unting naisasaayos sa mga isinulong na reporma sa ahensiya ang magandang performance ng mga Pinoy fighters sa mga sanctioned fight sa abroad.

“Kami sa GAB ay talagang tumutupad sa aming mandato na maproteksyunan ang ating mga fighters at sa isinulong nating programa, kabilang ang libreng medical at maayos na rating system, nasisiguro natin ang kahandaan ng ating mga boksingero sa kanilang paglaban sa abroad at nakapagbibigay sa kanila ng mas makabuluhang fight card,” pahayag ni Mitra, miyembro rin ng makapangyarihang Rating Committee ng World Boxing Council, ang pinakamalaking boxing organization sa mundo.

Kamakailan, isinulong ng GAB ang 1st Philippine Professional Sports Summit sa PICC kung saan nagsama-sama para talakayin ang lahat ng isyu na nagiging balakid sa pro sports, higit sa boxing ang mga matchmaker, promoters, ring officials at mga fighters.

“First time natin itong ginawa at nagpapasalamat ako sa suporta ng ating mga kaibigan na sina Senator Sonny Angara at Bong Go na silang nagpatibay para makakuha ng dagdag na pondo ang GAB para maisakatuparan ang ating mga programa. Nagpapasalamat naman po ako at nagkakaroon ng positibong resulta ang ginawa nating reporma,” aniya.

Tangan nina Sen. Manny Pacquiao at Nonito ‘The Flash’ Donaire, Jr., ang weltwerweight at bantamweight title, ayon sa pagkakasunod sa World Boxing Association, habang sina Jerwin Ancajas at Pedro Taduran ang regular champions sa super flyweight at minimum weight  ng International Boxing Federation at si Johnriel Casimero ang Interim world champion sa bantamweight class ng World Boxing Organization.

Walang Pinoy champion sa kasalukuyan sa World Boxing Council na minsang pinagharian nina Pacquiao sa 112, 130 at 135 lbs, Donaire sa 118 at 122 lbs. at Casimero sa 108 at 112 lbs.

Sa kabuuan, sa WBC may pinakamaraming rated fighters sa 22, kasunod ang IBF na may 19, WBC (18) at WBA (12).

Ang may pinakamataas na rated fighters ay sina Robert Paradero, Edward Heno, Geimel Magramo, Michael Dasmarinas at Marlon Tapales na pawang No.1 contender sa minimumweight (WBO), light flyweight (IBF), flyweight (WBO), bantamweight (IBF) at super bantamweight (WBO), ayon sa pagkakasunod.

Sina dating champions Donnie Nietes at Vic Saludar ay parehong No.4 sa super flyweight at minimum weight, ayon sa pagkakasunod sa WBC at WBO, habang si Milan Melindo ay No.9 sa light flyweight ng WBC.

Narito ang talaan ng iba pang Pinoy rated fighters:

Minimumweight- Melvin Jerusalem (#2 WBC), Vic Saludar, Rey Loreto, ArAr Andales, Mark Anthony Barriga, Rene Cuarto, Joey Canoy, Lito Dante, John Marco Rementizo, Jonathan Refugio at Samuel Salva, nagapi ni Taduran kamakailan.

Light Flyweight- Jonathan Taconing (#7 WBC), Melindo, Ivan Soriano, Mark Vicelles, Christian Bacolod, Randy Petalcorin at Jaysever Abcede.

Flyweight- Rene Baldonado (#8 WBA), Jayson Mama, JR Raquinel, Jobert Alvarez, Genesis Libranza and Alphoe Dagayloan.

Super Flyweight- Donnie Nietes (#4, WBC and IBF), Aston Palicte, KJ Cataraja, Froilan Saludar at Jade Bornea.

Bantamweight- Reymart Gaballo (#4, WBA), Kenny Demecillo at Vincent Astrolabio.

Super Bantamweight- Marlon Tapales at Albert Pagara rated # 1 at No.2 sa WBO, habang si Jeo Santissima ay No.6.

Featherweight- dating interim titlist Jhack Tepora No.3 sa WBA, habang No.8 si Mark Magsayo sa WBC. Si Tapales ay No.11 sa  featherweight ng WBA.

Super Featherweight- Asian champion Joe Noynay No.6 sa WBO.

Lightweight- Romero Duno, No.4 sa WBO.