Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12:00 n.t. -- St. Benilde vs Arellano

2:00 n.h. -- San Sebastian vs EAC

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

4:00 n.h. -- Letran vs Lyceum

TSANSA ng Colegio de San Juan na makabawi sa Lyceum Pirates.

ncaa

Muling magtatagpo ng landas ang magkapit-bahay na tropang Intramuros sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament ngayon kung saan nakataya ang solong ikalawang puwesto sa double-round elimination ng Season 95.

Magtutuos ang Knights at Pirates ganap na 4:00 ng hapon  sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Mauuna rito, magsasagupa sa unang salpukan ganap na 12:00 ng tanghali ang College of St. Benilde at season host Arellano University na susundan ng tapatan ng San Sebastian College at Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

Manggagaling ang Knights sa dalawang dikit na panalo pinakahuli kontra Blazers noong nakaraang Martes pagkatapos masilat ng Mapua Cardinals sa ikalawa nilang laban sa second round.

Magmumula naman ang Pirates sa bounce back win kontra rin sa Blazers nitong  Biyernes (Setyembre 20), 83-82, kasunod ng naging kabiguan nila sa Perpetual noong Setyembre 12.

Inaasahang mas magiging mahigpit ang salpukan ng magkapit-bahay kumpara sa naging laban nila noong opening day kung saan nakaungos ang Lyceum, 84-80.

Sa ikalawang laban, magkukumahog na makabalik sa winning track ang San Sebastian matapos mabigo sa undefeated at reigning titlist Red Lions sa nakaraan nilang laban upang mapatatag ang kanilang kapit sa ika-4 na posisyon tangan ang markang 7-5. Marivic Awitan