Sa tulong ng napakaraming celebrities na gumagamit at nagpapatunay sa mabibibisang produkto nito, wala nang makakapigil sa momentum ng rumaragasang pag-asenso ng Beautéderm.

Rhea at Marian

Latest sa sunud-sunod na milestones ng kompanya ang grand opening ng flagship store nitong nakaraang Miyerkules sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga. This time, ang nakasama ni Beautéderm President and CEO Rhea Anicoche-Tan ay si Marian Rivera, ang face of Beautéderm Home.

Dinumog ang event ng loyal customers, resellers, distributors, reporters, at ng maraming fans ni Marian.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Simula nang maging endorser si Marian ng Reverie by Beautéderm Home, isang exquisite line of home scents tulad ng soy candles, room sprays, at linen sprays, naging matalik na magkaibigan sila ni Rhea at Marian.

“Bukod sa isa si Marian sa aming mga top celebrity endorsers at ang association niya with the brand ay talagang nakatulong sa pag-boost ng sales ng aming mga produkto, siya rin ay aking pinakamamahal na kaibigan,” sabi ni Rhea. “Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful at kasama namin siya sa Beautéderm team.”

The feeling is mutual.

“I feel blessed at honored din sa tiwala na binigay sa akin Rei para i-represent ang Beautéderm Home,” sabi Marian. “Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakakataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff.”

Malayo na ang narating ng Beautéderm na inumpisahan ni Rhea sa puhunang P3,000, sa Angeles mismo. Pagkatapos maging disc jockey, nagtrabaho si Rhea bilang vice president for marketing ng isang malaking appliance company at noon niya naisip simulan ang kanyang sariling negosyo. Mula sa personal na paniniwalang nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa sarili, at kapag ganito ang ating ginawa, magiging mas malusog at makagagawa tayo ng kagandahan sa ating kapwa.

Isinilang sa business sector ang Beautéderm Corporation dahil sa hangarin ni Rhea na i-beautify ang bansa “one person at a time” sa pamamagitan ng mga de-kalidad na produkto. Kumpara sa ibang beauty products, pinakamabilis, pinakaepektibo, at sustainable ang resulta.

Priority ang kaligtasan ng customers, tanging plant-based na mga sangkap lamang ang masusing pinagsama-sama sa mga produkto. Higit sa lahat, hindi lamang pisikal na kagandahan ng gumagamit ang layon ni Rhea kundi lalo na ang pag-unlad ng buhay ng resellers at distributors ng kanyang kompanya.

Nagbunga ang kanyang hardwork, perseverance, at pananampalataya. Isa na ngayon sa most successful sa beauty business ang dating simpleng online distribution business ni Rhea.

Consistent Superbrands awardee ang Beautéderm na pawang top-selling sa market ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets, perfume collections, at maraming iba pa.

Umaabot na sa mahigit sanlibo ang resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa. Nagpapadala ito ng mga produkto worldwide sa tulong ng isa sa mga nangungunang shipping company sa bansa. Matatagpuan din ang physical stores nito sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, isa sa Singapore, at mayroong halos 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, singers, comedians, TV personalities, beauty queens, mga pulitiko, at mga social media influencers.

Sa Septyembre 22 (Linggo), 4:00 PM, pormal na bubuksan sa publiko ng Beautéderm ang pinto ng flagship store nito sa Marque Mall. Dadalo ang maraming ambssadors nito sa pangunguna nina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Glydel Mercado, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Matt Evans, at Ejay Falcon. Darating din sina Jane Oineza, Ria Atayde, Pauline Mendoza, Hashtag Ryle, Kitkat, Tonton Gutierrez, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon, Sherilyn Reyes, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Darla Sauler; ang batang businessman na si Lance Tan; at sina Anne Feo at Shyr Valdez kasama din sina Alyana Asistio, Kakai Bautista, at Boobay.

“Ito ay dream come true,” sabi ni Rhea. “Ang flagship store na ito ay isang testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication, at steadfast prayers.”

-Dindo M. Balares