MATAPOS lumasap ng bihirang pagkatalo sa kanilang huling asignatura,ibinuhos ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang bangis kontra GenSan Warriors,84-75 sa eliminasyon ng bakbakang tinaguriang ‘Southern Explosion’ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup kamakalawa sa Olivarez College Gym ,Parañaque City.

Agad na dumistansya ang Tigers ni team owner Dumper Party List Rep. Claudine Bautista na suportado nina Cocolife presidentt Atty Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP FranzJoie Araque,sa inilatag na run and gun game ng mga starters na sina Mark Yee,Billy Robles,Joseph Terso,Ivan Ludovico at Marco Balagtas upang iposte ang double digit na kalamangan,31-19, bago ang unang hati ng laban.

Lumobo pa sa 52-31 ang abante ng Davao Cocolife sa ikatlong yugto pero umangal ang Warriors na madis-armahan sa pagsisikap nina Robbie Celis na pumukol ng kambal na tres,Pamboy Raymundo,John Orbeta at Juju Bautista upang tapyasin ang lamang sa single digit sa homestretch.

Pinigil ng big 3 ng Tigers na sina Yes,Robles at Bonbon Custodio ang tangka ng paglusob ng Warriors upang selyuhin ang ika-11 panalo ng defending Southern champion sa 13 elims games at mapanatili ang sakmal sa liderato sa south division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Mahirap magkumpiyansa kahit malaki ang lamang kaya diniinan na namin sa crucial endgame,” wika ni game’s best player Yee na kumamada ng ,16 points,13 rebounds at 2 assists.

“Our boys learned from our close game setback against Pampanga that’s why coach Don Dulay put up a killer instinct motivation that yielded positive result for the Tigers”, sambit naman ni deputy manager Ray Alao.