HOT topic ngayon ang Kapamilya star na si Liza Soberano kaugnay ng kanyang recent Instagram post, na nagbabahagi ng isang video para sa kanyang latest ad.

Liza

Sa commercial makikita si Liza na nakasunod sa estilo ng bawat miyembro ng English pop girl group noong 1994, ang Spice Girls, na sina Melanie Brown, Melanie Chisholm, Emma Bunton, Geri Halliwell, at Victoria Beckham.

Ilang netizens umano ang na-offend umano kay Liza, sa paggaya nito sa English singer, songwriter, rapper na si Mel B, kung saan nakasuot ang aktres ng afro wig. Tinawag ng netizens na “blackface” ang ginawa ng aktres na isang “cultural appropriation,” na adoption of elements of one culture by members of another culture. Nagiging kontrobersiyal ito kung ang isang miyembro ng dominanteng kultura ay nagiging disadbentahe sa minority cultures.

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Nang tanungin ng isang netizen si Liza hinggil sa “blackface”( isang porma ng theatrical make-up na ginagamit ng mga non-black performers bilang paglalarawan sa isang black person),” mabilis na tumugon si Liza.

“This is not any form of blackface. It’s a costume just like how any other person would dress up if they were portraying a famous character. In this case its Mel B,”sagot ng aktres.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Liza na: “Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole “blackface” issue. It wasn’t of my intention to mock anyone of any culture or ethnicity.”

Inamin din ng aktres na naiintindihan niya na isa itong “sensitive topic.”

“… and that I should’ve kept my mouth shut. For now on I will try to be more educated about matters like this to make sure I don’t make careless mistakes like this again in the future

“Cultural appropriation is an issue that is deep-rooted in society which I am still educating myself on. I’ve read your comments and tweets and I honestly do understand where this backlash has come from.”

-Stephanie Marie Bernardino