NAUNGUSAN ng University of Santo Tomas ang National University sa pahirapang 87-74 panalo sa overtime nitong Linggo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Kumana si Rhenz Abando ng pitong puntos sa huling 1:32 ng regulation at naisalpak ang dalawang three-pointer sa extra period para sandigan ang Growling Tigers.

Tumapos ang high-flying forward na may 21 puntos, anim na rebounds, at dalawang assists para pangunahan ang UST sa matikas na pagbangon mula sa limang puntos na paghahabol, 68-63, may 42.3 segundo sa fourth period.

Naipuwersa ng Growling Tigers ang dalawang turnover ng Buldogs bago naitabla ni Zach Huang ang iskor sa 68-all mual sa free throw. Nakaiskor si NU guard Enzo Joson sa go-ahead lay-up may 6.5 segundo, ngunit nakalusot si UST forward Soulemane Chabi Yo para maitabla ang iskor sa 70-all at maipuwersa anfg extra period.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“Buti bumuhos pa rin yung mga bata especially sa last six seconds. While our opponents were celebrating, we’re able to convert and force it to overtime,” pahayag ni coach Aldin Ayo.

“Sinwerte kami sa dulo,” aniya. “We did not play our game sa first three and a half quarters pero buti nag-pick up kami sa last five minutes ng fourth quarter.”

Nanguna si Chabi Yo sa Growling Tigers na may 23 puntos at 20 rebounds, at apat na assists, habang tumipa si Sherwin Concepcion ng 13 puntos at anim na rebounds.

Umusad ang UST sa 3-1, habang nanatiling bokya ang NU sa tatlong laro.

-Marivic Awitan

Iskor:

UST (87) -- Chabi Yo 23, Abando 21, Concepcion 13, Nonoy 9, Subido 7, Paraiso 6, Huang 5, Cansino 3, Ando 0, Bataller 0, Cuajao 0.

NU (74) -- D. Ildefonso 16, Clemente 11, Joson 10, S. Ildefonso 9, Gaye 6, Oczon 5, Galinato 3, Mangayao 2, Gallego 0, Mosqueda 0, Rangel 0.

Quarterscores: 21-16, 30-31, 47-52, 70-70, 87-74.