NANGUNA ang Antique bilang probinsiya na may pinakamaraming drug-cleared na barangay sa Western Visayas, ayon sa ulat nitong Biyernes ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inihayag ni PDEA Regional Director Alex Tablate, na nasa probinsiya para sa Peace and Order Summit, na nasa 91% ng 271 na apektadong barangay sa probinsiya ang malinis na sa droga.

“As I said, Antique among the provinces in Western Visayas has the highest drug cleared barangays,” ayon kay Tablate sa isang panayam.

Ayon kay Tablate, ang Antique ay may kabuuang 590 na mga barangay, ay mayroong 271 barangay na apektado ng droga, at sa kasalukuyan 246 ang malinis na.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Habang ang 319 na hindi apektadong barangay, karamihan ay muling napatunayang malinis sa droga.

Iniugnay ni Tablate ang tagumpay sa maayos na pakikipagtulungan sa pagitan ng PDEA, Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government, Department of Health at ang mga pinuno ng pamahalaang lokal ng 18 munisipalidad ng probinsiya.

“The BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council) effort is also well-coordinated,” ani Tablate.

Inilahad ng direktor ng PDEA na layunin ng probinsiya na maging drug-free province bago matapos ang taon, aniya, isa sa mga dapat ikonsidera ay ang pagtatayo ng Balay Silangan, kung saan dadaan ng rehabilitasyon ang mga drug pusher.

“The Balay Silangan for drug surrenderers is a reformatory strategy,” dagdag pa nito.

Maaaring magkaroon ng isang Balay Silangan lang ang buong Antique upang magsilbi sa probinsiya mula sa mga bahagyang naapektuhang barangay dahil na rin sa maliit na budget ng probinsiya.

PNA