OLE! ESPANA

BEIJING – Tinuldukan ng Spain ang matikas na winning run sa FIBA Basketball World Cup 2019 sa China sa dominanteng 95-75 panalo laban sa Argentina para tanghaling kampeon at maiuwi ang prestihiyosong Naismith Trophy nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Wukesong Sport Arena.

TINANGAP ni Ricky Rubio, NBA star at prolific guard ng Spain, ang parangal bilang Most Valuable Player sa katatapos na FIBA World Cup sa Beijing. Pinangunahan ni Rubio ang Spain sa 95-75 panalo laban sa Argentina sa championship match. (FIBA PHOTO)

TINANGAP ni Ricky Rubio, NBA star at prolific guard ng Spain, ang parangal bilang Most Valuable Player sa katatapos na FIBA World Cup sa Beijing. Pinangunahan ni Rubio ang Spain sa 95-75 panalo laban sa Argentina sa championship match. (FIBA PHOTO)

Hataw si Ricky Rubio sa naiskor na 20 puntos, habang kumana ang kapwa NBA player na si Marc Gasol ng 14 puntos, pitong rebounds at pitong assists para sandigan ang Spaniards sa ikalawang World Cup title at kauna-unahan makalipas ang 13 taon. Nakamit nila ang unang World Cup title sa Asian soil nang magkampeon sa Japan.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Ikalawang World Cup title din ito nina Gasol at Rudy Fernandez, kapwa miyembro ng title-winning team sa FIBA Basketball World Cup noong 2006.

Bunsod ng panalo, napasama ang Spain sa listahan ng mga bansang nagwagi ng Wirld Cup ng dalawa o higit pa, tulad ng Brazil, F.R. Yugoslavia, Soviet Union, United States at Yugoslavia.

Nakamit naman ng Argentina ang ikalawang second-place finish, pinakamatikas na kampanya mula noong 2002 kung saan sumabak dins ila sa Finals. Nakamit nila ang unang edisyon ng liga noong 1950.

Kabilang sa mga opisyal at celebrities na nakiisa sa awarding ceremony sina FIBA President Horacio Muratore, FIBA Vice-President and FIBA President-elect Hamane Niang, International Olympic Committee President Thomas Bach, FIBA Secretary General Andreas Zagklis, Minister of the General Administration of Sport of China Gou Zhongwen, Mayor of Beijing Chen Jining, members of the FIBA Central Board and Executive Committee, representatives of the eight host cities, FIBA Basketball World Cup 2019 Global Ambassadors Yao Ming at Kobe Bryant.

Naging doble ang selebrasyon ng Spain nang tanghaling TISSOT Most Valuable Player si Ricky Rubio, habang nakasama niya sa All-Star Five ang kasanggang si Marc Gasol, Argentina big man Luis Scola, France swingman Evan Fournier at Serbian shooting guard Bogdan Bogdanovic.

Nakopo naman ng France ang bronze medal nang gapiin ang Australia, 67-59.