Nasa last stretch na ng kanilang artista journey ang Final 4 ng seventh season ng GMA Network’s original reality-based artista search, ang StarStruck. Nagsimula ang auditions ng ilang libong aspirants mula sa iba’t ibang lugar ng bansa, hanggang sa finally ay nai-present nila ang Final 14, 7 boys and 7 girls. Dumaan sila sa iba’t ibang acting test, hanggang sa napili na sa kanila ang Final 4, 16-year-old Allen Ansay ng Camarines Sur; 19-year-old Kim de Leon ng Batangas; 19-year-old Lexi Gonzales ng Manila at 17-year-old Shayne Sava ng Rizal.

StarStruck Final 4 presscon

Live na ang presentation nila this weekend, sa two-part final judgment sa Saturday, September 14 after ng Daddy’s Gurl at sa Sunday, September 15, ang Final Judgment, after ng Daig Kayo ng Lola Ko. Gaganapin ito sa Studio 7 ng GMA Network Annex. Sa Saturday, magkakaroon pa ng isang acting test ang apat, na gaganap sila ng mga off-beat roles. At sa Sunday, babalik ang 12 avengers at StarStruck graduates to participate in the competition. Magiging special guest sa Final Judgment si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards.

Sa mediacon na ginanap last Wednesday afternoon, tinanong sila kung ano gagawin nila para maging Ultimate Male at Female Survivors? Si Allen: “Ibibigay ko ‘yung buong makakaya ko. Ibubuhos ko na talaga lahat.” Si Kim:”Humility – always keep your feet on the ground, talent, and character. Of course, hindi dapat mawala yung pag-ienjoy para mas maganda ‘yung kalalabasan ng performance.’ Si Shayne: “Matatag sa kahit anong laban, hindi susuko, handang tanggapin ‘yung mga kamalian niya, opinion at advice ng iba.” Si Lexi: “Patuloy na natututo, mapagkumbaba, at hindi kinakalimutan ‘yung mga taong nandiyan para sa kanya. Siyempre patuloy din na binibigay ‘yung lahat niya”.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa final competition ng apat, ang 50% ng kanilang scores ay magmumula sa StarStruck Council na sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Ang another 50% votes ay manggagaling naman sa audience na sa final week ay binuksan na nila sa mga viewers hanggang sa Sunday, i-type lamang ang Starstruck (space) Name of Hopeful and send to 4627. Pwede ring bumoto sa Google by searching Starstruckvote, at sa online, sa www.gmanetwork.com/starstruckvote

Ang mga hosts ng StarStruck Season 7 ay sina Ultimate Star and StarStruck Season 1 Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado and Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Inside StarStruck for daily updates is hosted by Kyline Alcantara sa StarStruck official YouTube channel at 6PM.

Good luck sa Final 4!

-NORA V. CALDERON