SA ikatlong sunod na taon, nagpadala ng mga kabataang football players ang Allianz Philippines para kumatawan sa bansa sa Allianz Explorer Camp-Football Edition sa Munich, Germany.
Naranasan ng mga piling kabataan mula sa 22 bansa ang magsanay kasama ang ilang sikat na manlalaro ng World Cup champion FC Bayern.
Ang tatlong Pinoy na ipinadala sa Munich na pinili mula sa iba-ibang Allianz regional training camp sa bansa ay sina Marian Vista ng Tuloy Sa Don Bosco Foundation para sa Luzon, Ralf Andre Ebuna ng Corpus Christi FC para sa Mindanao, at Jodi Mari Banzon ng Cebu Elite FC para sa Visayas.
“Allianz has always been a staunch advocate of football development from the grassroots level. We want to discover talents from different areas across the country and give them the opportunity to excel on the world stage,” sabi ni Allianz Philippines chief marketing officer Gae Martinez na sinamahan ang delegasyon ng Pilipinas sa Munich.
‘‘For three years now, we have partnered with the Henry V. Moran Foundation for the Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI), a football competition that allows us to draft the deserving kids that we will send to the Allianz Explorer Camp,” aniya.
Ang training camp ay ginanap sa mismong training facility ng FC Bayern sa Säbener Strasse at mismong ang Bayern legend na si Klaus Augenthaler ang nag-reperi sa ilang mga laro ng mga kabataan. Sa final match ng kanilang munting torneo sa pagtatapos ng training camp ay dumating si Bayern star Thiago Alcantara para manood at mag-cheer sa mga batang manlalaro.
Nagbigay din ng mensahe sa mga kalahok sina pro surfer Valeska Schneider; Syrian swimmer Yusra Mardini na naglaro para sa refugee team sa 2016 Summer Olympics; National Graphic Explorer’s Dan Raven-Ellison; at Felix Finkbeiner, ang founder ng Plant for the Planet initiative.