NAGHIHINTAY ang kasaysayan para sa Philippine Blu Girls. At para kay coach Anna Santiago, malaki ang tsansa ng soft ball team na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.

OLYMPIC BOUND? Larawan ng katatagan ang Blu Girls (mula sa kaliwa) Fil-Am Chelsea Suitos,  Cheska Altomonte, coach Ana Santiago at Angelie Ursabia.

OLYMPIC BOUND? Larawan ng katatagan ang Blu Girls (mula sa kaliwa) Fil-Am Chelsea Suitos, Cheska Altomonte, coach Ana Santiago at Angelie Ursabia.

“May awa po ang Diyos at mapagtatagumpayan namin ito. Tiwala lang po at think positive. Hinihingi po namin ang suporta ng sambayanan,” pahayag ni Santiago, markadong player ng Ph Team at itinuturing winningest coach sa sports matapos maihatid ang Adamson Lady Falcons sa 73 sunod na panalo sa UAAP.

“Actually, naputol na po yung winning streak namin,” aniya sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Sa suporta at pangangasiwa ni Jean Henri Lhuillier, muling umariba ang Blu Girls sa international scene at puspusan ang kanilang paghahanda para sa WBSC Asia/Oceania Qualifying tournament – huling tsansa ng Blu Girls para makasikwat ng Olympic slots para sa 2020 Tokyo Games -- sa Setyembre 24-29 sa Shanghai, China.

“Target po naming manalo rito. Kung papalarin kami po ang kauna-unahang team sports sa Pilipinas na makalalaro sa Olympics. Malaki po ang tsansa natin dahil natalo na po natin sa Asian tournament ang makakalaban namin dito,” pahayag ni Santiago.

Kabilang sa makakasagupa ng Blu Girls ang World No. 6 Chinese-Taipei, No. 7 Australia, No. 8 China, No. 11 New Zealand, No. 23 Korea, No. 37 Indonesia at No.42 HongKong. Ang Pilipinas ang kasalukuyang World No. 13 sa ranking.

“I am more than confident that our Blu Girls have a shot at representing the country in the Olympics, given their stellar performances in the past years. I have great belief that the Blu Girls have a decent chance at winning because historically, we’ve beaten the teams we’ll be going up against here,” pahayag ni Lhuillier sa mensaheng ipinadala sa TOPS.

Tiwala si Santiago sa kakayahan, determinasyon at tikas ng Blu Girls na kinabibilangan ng mga homegrown talents at ilang Fil-Am players sa katauhan nina Chelsea Suitos, Cheska Altomonte, Angelie Ursabia, at Arianne Vallestero na kasama niyang bumisita sa TOPS.