ANG laki nang nagawa kay Mikoy Morales ang mapasama sa Bubble Gang at Pepito Manaloto at makatrabaho ng matagal si Michael V dahil nahawaan siya sa husay sa comedy nito.

MIKOY-MORALES

May eksena sa The Gift na sinasabihan ni Mikoy as Bistek si Mikee Quintos as Amor na hindi bagay sa kanya ang hairclip na suot. Dumating si Faith (Thia Tomalla), wearing the same hair clip at nag-iba ang dialogue ni Mikoy, naging mabait kay Thia at pinuri pa ang hair clip, maganda raw sa kanya at lalo siyang gumanda.

Ang swabe nang delivery ni Mikoy ng lines na ‘yun at sinamahan pa ng deadpan expression, kaya ang ganda ng eksena at matatawa ang viewers. In-acknowledge naman ni Mikoy na si Bitoy ang rason kung bakit comfortable siya sa comedy.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

“Kaya nga, nasa set na ang mind ko at masaya na ako na Bubble Gang at Pepito Manaloto ang shows ko sa GMA-7 dahil ang laking nagawa sa akin. Pero nang dumating itong The Gift, hindi ko pinalampas dahil maganda ang project, si LA Madridejos ang director na favorite ko, gusto ko ang buong cast and of course, because of Alden Richards. Matagal ko na siyang gustong makatrabaho at nangyari sa The Gift, palalampasin ko pa ba? Ang ganda ng role ko, best friend niya at kami nina Mikee ang madalas niyang kaeksena,” sabi ni Mikoy.

Sa September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice ang pilot airing ng The Gift sa direction nga ni LA na maraming Kapuso stars ang gustong makatrabaho siya.

Samantala, nilinaw ni Mikoy na sila pa rin ng GF niyang si Thea Tolentino, pero ang relasyon nila, walang sakalan, they are free to go out with other friends, pero alam nilang sila ang magkarelasyon.

Sa nakaraang birthday ni Thea, may birthday message sa kanya si Mikoy: “Pag

lumubog ang lahat sa paligid, lumubog ka rin. Pero ikaw yung walang palyang lumilitaw at lumilitaw uli.

Sana magawa mo lahat ng kailangan mong gawin para sa sarili mo. Sana matupad mo pangarap mo. Sana maparamdam mo pa sa mas maraming tao kung paano ka magmahal kasi alam kong mababago mo buhay nila. Ayun. Happy Birthday. Mahal kita.

Kanina ko pa di matapos-tapos ‘tong post na ‘to kasi salita ka nang salita.”

-Nitz Miralles