HUWAG magtaka kung muling mauso ang pag-uwi nang maaga ng mga nagtatrabaho maghapon para lamang maabutan ang tiyak na susubaybayang primetime drama na ito.
Napanood namin ang pilot week Pamilya Ko, bagong teleserye ng ABS-CBN na premiere airing na mamaya sa timeslot bago umere ang TV Patrol, at walang duda na mapapabalik nito ang interes ng mga manonood sa pagtutok sa soap opera.
Pabawas na nang pabawas ang televiewers, na lumilipat sa iba’t ibang platforms, pero siyempre pang magagandang TV fares lamang ang makahihikayat sa lahat para bumalik sa panonood sa small screen.Katunayan, isa kami sa matagal-tagal nang nawalan ng gana sa mga primetime TV series. Dahil wala nang bagong napapanood, more of the same ang mga umeere ngayon.
Pero naiiba ang Pamilya Ko, sa katunayan, hindi ko inaasahan na RSB production unit pala ang magpapabalik sa interes ng inyong lingkod sa TV drama. Napakahusay ng pagkakahabi ng scriptwriters sa istorya nila.
Bagamat matagal nang exploited ang family drama sa Philippine television, fresh ang approach sa storytelling at maging sa direksiyon at pagkukuwento ng direktor ng serye na si Raymund Ocampo.
Heartfelt ang handling sa materyal ng Pamilya Ko, kaya maging sa opening scenes pa lamang ay hahablutin na ng serye ang puso ng manonood. Sisimulan ang kuwento sa pagkukumahog sa paghahanda ng buong pamilya para sa dadaluhang sabay-sabay na graduation ng tatlo sa walong magkakapatid at sorpresang pag-uwi mula sa Italy ng OFW na haligi ng tahanan na si FernanMabunga, ginagampanan ni Joey Marquez.
Masaya ang lahat, pero sabi nga, walang pamilyang walang sekreto. Ang mga sekretong ito na unti-unting lilitaw ang magiging banta sa kanilang pagkakabigkis.
Gumaganap na Luzviminda si Sylvia Sanchez, ang ilaw ng tahanan at panganay nila si Chico (JM de Guzman). Younger siblings naman ni Chico sina Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, at Raikko Mateo.
Nakakaintriga na nakatira sa mga lolo at lola si Chico, hiwalay sa bahay ng pamilya, at sa rebelasyon ng back story, lalalim ang katauhan niya na buong husay na nai-deliver ni JM de Guzman. Ang conflict ni Chico kay Beri (Kiko) na palaban tuwing sinasaway sa paninigarilyo at pati na ang mga hinanakit na kinikimkim sa ina at ama, bukal ng emotional storm na sumasabog sa dapat ay payapang pamumuhay ng pamilya.
Dagdagan pa ng rebelasyon na may kalaguyo pala si Fernan sa Italy, na ginagampanan ni Irma Adlawan.
Kaabang-abang ang mga eksena sa Pamilya Ko, pero huwag palampasin ang emotionally charged na komprontasyon nina Chico at Beri, Chico at Fernan, at Chico at Luzviminda.Yes, sina Ibyang at JM ang nasa purgaturyo sa teleseryeng ito. Mabuti na lang, binigyan si JM ng lukaret na best friend na ginagampanan ni Arci Muñoz, kaya may comic relief. Sa parte ni Ibyang, lahat ng gumaganap na anak niya sa serye maliban kay Chico na laging mabigat sa loob niya, uubrang comic relief.
Kung manonood kayo ng Pamilya Ko, laging maghanda ng panyo o tissue na pamunas ng luha.
-DINDO M. BALARES