NAG-CELEBRATE ng ika-19th anniversary nito lang September 5, ang Aficionado business ni Lord Of Scents Joel Cruz.
Sa interview namin sa kanya last Friday sa magarang office niya sa Instruction Street, Sampaloc, Manila ay nalaman namin na ang first endorsers pala niya sa isa sa mga perfumes ng kanyang Aficionado fragrance business ay si Erich Gonzales.
“Bata pa siya noon. From the very start hanggang ngayon andiyan pa rin siya. Kasi wala pa siyang 18 years old ata nu’n nung makuha ko siya as one of frangrances endorser of Aficionado. Sa lalake naman si Jason Abalos.
“Yung Aficionado fragrance na inendorso ni Erich, in fact yun ang ginagamit ko from the very beginning until now. Although I’ll be coming out with my own Joel Cruz scent. Ahh, it’s a collection na… meron perfume, may lotion, shower cream, isang set lang yon. Yung kay Jason Abalos is for men, isang set lang yon, sporty scent.
“We had a very good relationship with them, Erich, Jason and their managers na humahawak sa kanilang careers and they are not so demanding or kung magre-renew ng contract ang taas taas na ng presyo, kino-consider namin yung ganu’n pero sa kanila, hindi naman ganu’n kumbaga parang friendly price pa rin yung sa kanila.”
So kino-consider ba niya na sina Erich Gonzalez at Jayson Abalos ang lucky charms niya of his Aficionado business?
“Ahhh, somehow yes at saka siyempre yung mga anak ko, hahaha, kasi baka magselos ang mga anak ko, hahaha! Pero to give justice naman sa mga ibang endorsers ko they are also out in helping us. Like isa na nga si Vice Ganda.
“Ang maganda kay Vice ahmm, very powerful din siya as endorser kapagka sinasabi niya sa It’s Showtime na…”meron akong perfurme na Aficionado’…yung ganu’n so, yun ang maganda sa kanya..Oo, Oo, effective naman or gumagalaw naman sa merkado.”
Si Vice Ganda lang ba ang kinuha niyang Aficionado endorser na belong sa LGBT community?
“Dati…si Charice…nu’ng Charice Pempengco pa siya. Dati rin si Boy Abunda. Nauna pa si Boy Abunda kesa kay Charice. Tapos ngayon si Vice Ganda.”
Since meron na siyang walong anak na ang tatlo ay ipinanganak na kambal, how are they to you? At ang kyut kyut nilang lahat in pernes, ha!
“They are all very well…ahhh, sila ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan, pagmamahal, at na-fulfill ko ang pagka-Father ko dahil sa kanila…yung pagka-tao ko rin…at masaya ako parati dahil sa mga anak ko…nakakatuwa sila kasi masarap silang kasama…huwag na sana silang lumaki, hahaha…kasi sabi nila pagka naging teenagers na daw hindi na minsan isinasama ang magulang…may sarili na silang mga kaibigan…parang medyo nalulungkot ako pag naririnig ko yung ganu’n…but I’ll see to it naman na kahit maging teenagers sila, andun pa rin yung magandang bonding namin na nagki-kiss pa rin sila sa akin, niyayakap pa rin nila ako..naglalambing..yung mga ganun na para pa rin silang mga bata.”
Ano-ano nga ang mga pangalan ng walo niyang anak?
“Okay, the first set of twin, boy and girl, si Prince Sean and Princess Synne they are turning seven years old actually 7 na just last September 4 of this year…second set both boys Prince Harry and Prince Harvey , they are 3 years old now. Next set of twin, the third, boy and girl, Charles and Charlotte, 2 years old pa lang, tapos ika-seven na single pregnancy si Zake, a boy, around 15 months na…and then the last..yung bunso boy din si Zib mga 9 months na. Iisa lang ang Nanay nila at iisa rin ang Tatay at ako po yon. Kasi may mga nagsasabi na…”uy, ang gaganda naman ng mga ampon mo..” hahaha, hindi po…mga anak ko sila talaga at ako lang ang kanilang biological father”.
So there! How lucky naman this Aficionado man Joel Cruz bukod pa sa tinagurian siyang Lord Of Scents. Well, sabi nga, some guys have all the luck, really!
-MERCY LEJARDE