Tumatag sa kanilang pamumuno sa Pool A ang Adamson University matapos makolekta ang ika-4 na sunod na panalo sa pamamagitan ng 14-25, 25-21, 25-15, 25-21 pagpapadapa sa Ateneo de Manila kahapon sa 2019 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center.

Matapos mabigo sa first set, sumandig ang Lady Falcons kina Trisha Genesis, Louie Romero, at Lucille Almonte upang makabawi sa second set.

“Parang blanko lahat noong first set. So ginawa namin kinalma muna namin,” wika ni Adamson coach Lerma Giron said. “Sabi namin reset tayo ng second set, erase na natin yung first set. Let’s start fresh. So, nag-respond naman yung mga bata na-challenge sila.”

Nagbanta pang hihirit ng decider ang Lady Eagles matapos lumamang 16-13 sa pangunguna ni Ponggay Gaston.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit muling nagtabla ang iskor sa 21-all at doon na nag takeover sina Genesis at Almonte upang ibigay sa Lady Falcons ang panalo.

Nagposte si ng Genesis game-high 19 puntos,12 dito ay galing sa service aces bukod pa sa 9 na excellent receptions habang tumapos naman si Almonte na may 14 puntos, 15 digs at 11 excellent receptions at nagdagdag naman si

Romero ng 28 excellent sets at 4 na puntos para sa Lady Falcons.

Namuno naman para sa Ateneo si Erika Raagas na may 16 puntos

Sa iba pang laro, nanatili namang nangingibabaw sa PoolnB ang University of Santo Tomas matapos maigupo ang Far Eastern University, 25-14, 25-17, 10-25, 23-25, 15-12 para sa ika-4 na sunod nilang panalo.

Nagtala ang Thailand bound na si Eya Laure ng 18 puntos at 20 excellent digs upang pamunuan ang nasaBKing panalo ng Tigresses. .

-Marivic Awitan