TUMATANGGAP na ngayon ang pamahalaan ng Japan ng aplikasyon para sa assistant language teacher position sa ilalim ng 2020 Japan Exchange and Teaching (JET) Programme.
Ang mga Pilipinong matatanggap sa programa ay maaaring magtrabaho sa pampubliko o pribadong mga paaralan, o mga local boards of education sa mga probinsiya o bayan na matatalaga sa kanila. Pangunahing tungkulin ng mga matatanggap ang tumulong sa klase ng isang Japanese teacher sa English.
Taong 1987 pa nang ilunsad ang JET program na layong matulungan ang mutual na pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Japanese at ng ibang bansa sa pamamagitan ng isang foreign language exchange and cultural immersion sa lokal na antas.
Ngayong 2019, nasa 5,761 kalahok mula sa 57 bansa, kabilang ang Pilipinas, ang natanggap. Mula naman sa dalawang assistant teacher noong 2014, lumago na sa 52 guro ang tinanggap ngayong 2019 pa lamang.
Para sa mga nais mag-aply, kinakailangan isang Filipino citizen, physically at mentally fit para magtrabaho sa ibang bansa, at may angking galing sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Ingles. Kinakailangan ding nagtapos ng
Bachelor’s degree o higit pa ang kuwalipikasyon sa arrival date.
Para sa mga interesada maaaring bisitahin ang www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_en/00_000147 o ang www.jetprogramme.org para sa dagdag na impormasyon.
PNA