INAMIN ni Khalil Ramos na mas masaya siya na ang LSS (Last Song Syndrome) movie ang ginawa niya dahil kasama niya ang girlfriend niyang si Gabbi Garcia kaysa sa pelikulang G!

KAHLIL N GABBI1

Ang LSS ay kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mapapanood sa Setyembre 13 kasabay ng selebrasyon ng 100 Years of Philippine Cinema na gaganapin naman sa New Frontier Theater sa Setyembre 12.

Going back to Khalil, ay natanong siya pagkatapos ng LSS mediacon na kaya hindi niya tinanggap ang pelikulang G! ay dahil may butt exposure?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I did not decline po the project. Ang nangyari po kasi may previous work ako for Japan so halos two to three works akong mag-stay sa Japan so hindi nila (G!) ako mahintay,” bungad ng aktor.

Inamin namang mas naunang i-offer sa kanya ang LSS na produced ng Globe Studios dahil intented sana ito sa sa 2018 PPP.

Pero hindi ang pagpapakita ng puwet ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Khalil.

“Ay hindi po!” natawang sabi ng binata.

Willing bang ipakita ni Khalil ang butt niya, “hindi po kami umabot doon sa diskusyon na ‘yun kung gagawin ko ba o hindi. Basta ako po, ‘yung eksena o konteksto ng eksena ay strong enough to show my butt, ha, ha, ha, then okay sige.”

At dahil katabi ni Khalil ang girlfriend niyang si Gabbi ay natanong ang dalaga kung okay sa kanya na magpakita ng butt ang boyfriend niya.

Tumatawang sagot ng aktres, “kung okay sa kanya, siya po bahala. Puwet niya ‘yan hindi ko puwet ‘yan.”

Anyway, confident ba si Khalil na ipakita ang butt niya, “no, sa ngayon hindi pa. Hindi ako maghahanap ng role na may ganu’n, pero kung may dumating at sobrang ganda ng script at maganda ‘yung mensahe ng pagpapakita ng puwet ko, I’ll consider it, ha, ha, ha, ha.”

Samantala, natanong kung mas okay ba kina Khalil at Gabbi na magkatrabaho sila sa isang pelikula dahil kumportable sila

“It was hard to begin with,” saad ng aktor.

Sundot naman ni Gabbi, “pero along the way, nakita namin kung gaano ka-advantage for the both of us kasi nagkatulungan kami.”

“Nu’ng nag-start kasi nahirapan (kami) kasi may eksenang kailangang strangers kami. So, hindi kami sure kung effective ba ‘yung chemistry namin on screen o hindi kaya lagi naming tinatanong si direk Jade (Castro) kung okay ba. Buti na lang sobrang collaborative lahat ng tao (sa set) na was there to help us,” paliwanag ni Khalil.

Mas maganda ang chemistry nila sa tunay na buhay kaysa sa pelikula kaya habang ginagawa nila ang LSS ay hindi sila nagkaroon ng gusot dahil sa pressure.

“Inihanda ko lang ang sarili ko na if ever magkaroon, dapat manaig ‘yung professionalism,”say ng binata.

“Were both professional naman po,” sabi rin ni Gabbi.

Paano naman nila inaayos kung may tampuhan ang mag sing-irog.

“We communicate about it, we’re honest po kasi sa isa’t isa. So hindi puwedeng lumipas ‘yung araw na hindi namin napag-uusapan and of course hindi puwedeng magtago.

“And like for example naiinis ako sa kanya, I tell him direct to the point if there’s something wrong if I’m hurt or whatsoever. Professionally, hindi naman po kami nag-aaway pa. Wala pa kaming malaking away,” mahabang paliwanag ni Gabbi.

Nabanggit ding mas okay na magkaiba sila ng TV network dahil bihira silang magkita dahil marami silang napag-uusapan tungkol sa work.

Dalawang beses na ring nakatuntong si Gabbi sa ABS-CBN para sa promo ng LSS bagay na ipinagpaalam niya sa GMA.

At na-amaze raw si Gabbi dahil sa naliligaw siya sa building ng Kapamilya network, “pero nu’ng tinanong niya ako tungkol sa elevator, sabi ko walang TV (elevator ng GMA) pero may taga-pindot kami, ha, ha, ha.”

Oo nga, wala kasing taga-pindot sa ABS-CBN elevator.

Nabanggit din ng Kapuso actress na hanga siya sa Kapamilya network dahil, “may sariling Starbucks sa loob, kami kasi wala.

At hindi rin makakapunta si Gabbi sa 2019 ABS-CBN Ball sa Setyembre 14, “hindi ko na po sinubukang magpaalam kasi (naka-2 beses na siyang nagpaalam para sa promo). Magwo-work na lang po ako. Iingatan ko na lang po ‘yung trabaho ko kaysa dahil lang sa isang gabi (masira pa),” paliwanag ng aktres.

Kaya solo flight si Khalil sa gabi ng ABS-CBN Ball at okay lang sa kanya.

Anyway, mapapanood na ang LSS sa Setyembre 13 at makakasama nina Khalil at Gabbi ang Ben & Ben mula sa Globe Studios at idinirek naman ni Jade Castro.

-Reggee Bonoan